ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Angelika dela Cruz wins bid to become barangay captain in Longos, Malabon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nanalo ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz bilang barangay captain sa Longos, Malabon City.

Ginanap ang barangay elections nitong Lunes, October 28.

Ito ang unang pagsabak ni Angelika sa pulitika. (Basahin: Angelika dela Cruz, kinasuhan ang lalaking nagtangka umanong sumaksak sa kanya)

"Sarap ng pakiramdam. Double celebration," pahayag ni Angelika sa text message nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng bilangan.



Ang ibig sabihin ng aktres sa "double celebration," bukod sa kanyang panalo ay nagdiriwang din siya ng kanyang 32nd birthday ngayong araw, October 29.

Dagdag ni Angelika, "I’m happy and thankful sa mga taga-Malabon. Sa pagmamahal sa akin and sa family ko."

Dahil sa pagwawaging ito ni Angelika ay nasuklian ang lahat ng pagod at sakripisyo niya noong panahon ng kampanya.

Lalo na't nalagay pa sa alanganin ang buhay niya nang may isang lalaking magtangkang saksakin siya habang nangangampanya noong October 19.

Ang suspetsa nila ay may kinalaman sa pulitika ang pagtangka sa buhay ng aktres.

Ang pinakamahigpit na nakalaban ni Angelika ay ang pinsan niya.

Isa raw sa mga plano ni Angelika ngayong barangay captain na siya ng Longos, Malabon, ay ang mag-aral muli.

Pero siyempre, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career.

Huling napanood si Angelika sa primetime series na Mundo Mo'y Akin.

Kumandidato rin sa katatapos na halalan sina Phillip "Kuhol" Supnet (North Fairview, Quezon City); Romeo "Dagul" Pastrana (San Jose sa Rodriguez, Rizal); Jeremy Marquez (BF Homes, Parañaque); Lea Carla "Luningning" Santos (Brgy Paligsahan, Quezon City); Bobby Pacquiao (GenSan); Bobby Yan (Greenhills San Juan); at Chris Tiu (Urdaneta, Makati). -- Rose Garcia, PEP