ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pauleen Luna, kinilig sa ginawang pag-amin ni Vic Sotto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Inamin ng Kapuso star na si Pauleen Luna na kinilig siya sa ginawang pag-amin ni Vic Sotto tungkol sa kanilang relasyon.

Sa artikulong isinulat ni Gorgy Rula na lumabas sa PEP.ph nitong Huwebes, sinabi ni Pauleen na napanood niya ang programa kung saan inamin ni Vic ang kanilang relasyon at nakadama siya ng kilig.

Basahin: Vic Sotto on having another baby: 'Kapag ibibigay ‘yan, why not?'

Kasabay nito, ipinaliwanag ng bida sa bagong drama series ng GMA Network na The Borrowed Wife, na ang pag-ibig ay parang lansalangan na dapat pangdalawahan.

“For me, what I’ve realized in this relationship, you really have to give a lot to the person," anang 25-anyos na aktres. “For me, what I’ve realized in this relationship, you really have to give a lot to the person.

Basahin: Pauleen Luna on relation with Vic Sotto: Hindi ako minor

Bukod sa taong mahal mo, sinabi ni Pauleen na kailangang mahalin mo rin ang mga taong mahal niya at hindi ka dapat maging makasarili.

“Dito, natutunan ko maging selfless," dagdag niya. "Natutunan ko na it’s not all about me, it’s more on things about him. And yun, kung sinong mahal niya, kailangan mahal ko din."

Nang tanungin naman ang aktres kung ano ang pangalan na nakaukit ngayon sa puso niya, tugon ni Pauleen: "Isang malaking V-I-C." -- FRJ, GMA News