advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado easily moves on after breakup with Luis Manzano


 

“Okey naman, ganoon pa rin naman. Pareho pa rin naman,” tugon ni Jennylyn Mercado nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang buwan pagkatapos nilang maghiwalay ni Luis Manzano.

Nakapag-text na ba sila sa isa’t isa matapos ang kanilang breakup?

Aniya, “I don’t think na kailangan ko pa siyang kausapin.

“Basta ang importante for me, happy na ako.

“Kasi, masarap na ang buhay, tuluy-tuloy ang career… masaya!

“I feel blessed dahil ang dami talagang blessings na dumarating.”

Nakausap ng PEP si Jennylyn sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo, December 15.
 
MOVING ON. Bakit tila madali siyang nakapag-move on?

Sagot ng actress-TV host, “Siguro dahil sa dami kong ginagawa ngayon... halos araw-araw akong nagtatrabaho.

“Yun lang naman siguro ang key doon, parang kailangan mong gawin.

“Hindi ko na kailangang isipin yung mga bagay na hindi nag-e-exist at hindi ko na kailangan sa buhay.

"Kailangan kong mag-move on. Kailangan kong isipin yung trabaho ko.

“Unang-una, yung family ko, my son, yun ang pinakaimportante.

“Pangalawa, yung trabaho ko na halos araw-araw na talaga.

"Malapit nang ipalabas yung Rhodora X, kailangan naming mag-double time.

“Tapos, my cooking show pa ako, may Sunday All Stars, tapos gumagawa pa ako ng album ngayon.

“Tapos, bumalik na uli ako sa triathlon, bumalik na uli ako sa training. Talagang pukpok talaga.

"So, uuwi lang ako para matulog, tabihan yung anak ko.”   

Totoo bang hindi kanais-nais ang pinagdaanan ng relasyon nila ni Luis kaya madali kay Jennylyn ang mag-move on?

Saad niya, “Actually, para sa akin, sa dami kong narinig na hindi maganda na nakarating sa akin, parang hindi worth it na patulan pa yung mga ganoong bagay at isipin pa, pag-aksyahan pa ng oras dahil marami akong kailangang gawin…

“Na hindi na dapat pang patulan yung mga walang ka-sense-sense na mga bagay na ‘yan.

"So, ayoko nang isipin pa."

MORE PROJECTS. Pakiramdam ni Jennylyn, ngayong wala na siyang lovelife ay nagdadatingan ang mga biyaya sa career niya.

“Sumakto lang na parang, ‘Ooops, palitan natin ang schedules mo,’ parang may ganoon si God.

“’Oops, nawala ito. Sige, palitan natin ng mas magagandang schedules.’”

Ngayon, nari-realize ni Jennylyn na parang hindi pa talaga siya handa sa isang commitment.

Noong nagkakaproblema sila ni Luis, tatlong shows niya ang nawala—H.O.T. TV, Indio, at Party Pilipinas.

Dagdag niya, “Nagpahinga ako noon, parang ganoon nga ang nangyari.

“Siguro ibinigay na rin ni God yun na parang, 'O, eto na yung chance mo ha?’

“Kumbaga, yung Rhodora X nga, panghapon dati.

"Tapos nagulat ako, noong story conference, ginawang primetime.

“’Grabe Ka naman, trabaho lang ang hinihingi ko, ‘eto ang ibinigay Mo, pero sobra-sobra.’

“Ang sarap sa puso, ang sarap pakinggan, puro positive.”
 
OUT OF MIND. Sa pagkakataong ito, hindi ba niya naiisip si Luis?

Sagot ni Jennylyn, “Hindi na, e.

“Kumbaga, parang masarap ang buhay na nagagawa mo ang gusto mong gawin.

"So, okey na ako.”

Nausisa rin kung saan na napunta ang mga regalo ni Luis kay Jennylyn, dahil mahilig silang magpalitan noon ng gifts.

Sagot ni Jennylyn, “Nasa akin pa rin, ginagamit ko pa rin naman siya.

“Recently, nag-dive ako, e, nag-clean up.

“Kinuha ako ng DENR na mag-cover ng clean-up nila, so ginamit ko yung camera.

“Parang twice a year naming ginagawa yung clean-up.”

Ang sinasabi ni Jennylyn na regalo sa kanya ni Luis ay camera underwater-capable na may case at iba pang underwater accessories.

Hindi ba nami-miss ni Jennylyn si Luis na kasa-kasama lagi sa ganitong diving activity?

Aniya, “Yung company ko naman, company ko pa rin, sila pa rin. Pero kami-kami pa rin.”
 
FORECAST FOR 2014. Paano naman nakikita ni Jennylyn ang sarili at career niya sa 2014?

“Siguro more on looking forward sa mga bago pang mangyayari sa buhay ko.

“Like… basta!” sabay tawa niya na parang na-excite.

“Kasi meron akong inaaral na gusto ko sa 2014, gagawin ko siya.

“Hindi ko muna sasabihin para surprise.

“Yun yung mga bagay na hindi ko nagagawa noong 2013 paatras or noong mga nakaraang taon, iyon yung gusto kong gawin.

“Yung album naman… sanay naman sila nag-a-album ako, pero excited rin ako kasi all-original siya.

“May collaboration pa rin ako with other artists and this, under GMA Records na.” -- Rey Pumaloy, PEP
LOADING CONTENT