ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Benjie Paras, nilinaw na desisyon nina Andre at Kobe kung nais kausapin ang ina na si Jackie Forster


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakausap ang komedyanteng si Benjie Paras at ang ex-wife nitong si Jackie Forster.

Maging ang dalawang anak nilang sina Andre at Kobe ay ayaw pa ring kausapin ang kanilang ina.

Ngunit paglilinaw ni Benjie, "Sa akin kasi, it's between her and the kids. Walang problema sa akin kung gusto nilang mag-usap."

Ayon pa sa kanya, sinasabihan niya ang mga anak na makipag-usap na sa kanilang ina.

"Huwag nilang isasara ang pinto dahil kahit ano'ng mangyari, nanay ninyo 'yan.

"Every day, kapag may lumalabas na issue, sinasabihan ko sila."

Kamakailan ay pumutok ang intriga na ang humahadlang diumano upang magkausap si Jackie at ang dalawa nilang anak ni Benjie ay ang misis ngayon ng komedyante na si Lyxen Diomampo.

"Siyempre you cannot please everyone, hindi naman nila alam yung totoong nangyari sa loob ng bahay namin," paliwanag ni Benjie nang makapanayam ng PEP sa isang presscon.

ENGLISH-SPEAKING. May pumuna naman sa pagiging Inglesero ng mga anak ni Benjie, gayong hindi naman palasalita ng English ang dating PBA player.

Paliwanag ni Benjie, "Actually, nung maliliit sila, sinanay ko na, kami ni Jackie.

"E, nawala kami [ni Jackie] four o five years old si Andre, kaya itinuluy-tuloy ko na.

"'Tapos sa mga barkada nung bata, sa neighborhood.

"Pero actually, nasa sa kanila rin, e.

"Yung lugar naman namin, hindi naman lahat ganoon, e."

Marunong din bang gumamit ng "po" at "opo" ang mga anak niya kapag kinakausap?

"Oo, yun ang una kong itinuro sa kanila," sagot ni Benjie.

Ngunit ayon sa ilang write-ups ay hindi raw nagpo-po ang mga anak niya?

"Baligtad naman yun, gusto mo ipakita ko yung text nila sa akin," pagtanggi ni Benjie, sabay labas ng kanyang cellphone.

"O, ayan, 'Will I send it to her po? What's the topic for the video po? Can you call po? Will eat dinner first here po. Balik ako ng 10 p.m. po.'

"Sobrang galang ng mga batang 'yan."

Diin pa ni Benjie, gumagamit din ng "po" at "opo" ang mga anak kapag ibang tao ang kausap.

"Ipaglalaban ko 'yan."
 
SNOB. Minsan naman ay nasasabihan ng mga reporter na suplado ang mga anak niya.

Sabi naman ni Benjie, "Hindi nila kilala, e.

"So, pagpasensiyahan ninyo na, ganoon din naman tayo sa umpisa.

"Sinasabihan ko rin ang mga anak ko, pero ang kinakausap ko, yung mga handler.

"Dapat ituro nila doon sa mga bata kung sino ang mga yun, ipapakilala.

"Hindi yung lalampasan, 'Ay, suplado nito!'

"Yung mga ganyang reporter na 'yan, naku, aray ko po!" pabaklang salita ni Benjie.

ADVICE TO SONS. Okay na ba sa kanya na magtuluy-tuloy na sa showbiz ang mga anak niya, lalo ngayong may pelikula na si Andre?

Sabi ni Benjie, "Si Andre, oo, kasi college na yun.

"Pero si Kobe, high school pa lang siya, mahihirapan siya alam ko.

"So, sabi ko, 'Concentrate ka muna sa basketball. Kapag college ka na at nag-decide ka na
bumalik dito, saka na natin pag-usapan yun.'"

Pinapaalalahanan ba niya ang mga anak na huwag munang makipagrelasyon?

"Hindi, nasa sa kanila naman yun, nasa right age na sila. They're 18 and 16.

"Ang sabi ko lang, siguraduhin niyo lang na walang conflict sa ginagawa nila.

"Kung may conflict, dapat naiintindihan nung partner nila.

"Kung hindi, medyo hindi na maganda 'yan."

At ang pinakamahigpit niya raw paalala sa mga anak ay huwag na huwag itong makabuntis.

"Huwag, huwag muna dahil mas maganda yung kasal muna sila.

"Alam naman nila, kaya lang, mga lalaki 'yan, hindi natin alam.

"Tayo namang mga magulang, as much as possible, pangaral, e.

"Pero siyempre, kapag may nangyari, nandiyan pa rin tayo para sa kanila."

Wala pa naman daw mga girlfriend sina Andre at Kobe.

"At kapag lovelife ang problema, sabi ni Benjie, "Mas malapit sila doon sa wife ko, doon sila nagsasabi.

"Kasi ako, malakas akong mang-asar, e.

"Kung ano yung nakikita ninyo sa akin, ganoon din ako sa kanila."

Namana ba naman ng mga anak niya ang kanyang sense of humor?

"Oo, marunong. Marunong magpatawa ang mga 'yan," pagmamalaki ni Benjie. -- Julie E. Bonifacio, PEP
Tags: benjieparas