ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino and James Yap finally reach 'long-term agreement' about Bimby


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagkaroon na ng malinaw na kasunduan ang dating mag-asawang sina Kris Aquino at James Yap para sa visitation rights ng PBA player para sa anak nilang si Bimby.

Ito ang ibinalita ni Kris sa kanyang Instagram account nitong Miyerkules ng hapon, March 5.

Isang photo collage ang ibinahagi ni Kris sa kanyang followers kung saan makikita sa isang larawan na nagkamayan sila ni James.

Sa caption ay inilagay ni Kris: “Thank you Judge [Cristina] Sulit, Attorney [Sigfrid] Fortun & Attorney Lorna Kapunan for the patience & guidance to help James & I reach a long term agreement regarding Bimby's custody/visitation.

“It was a nearly 4 year journey that needed mutual healing, acceptance, and maturity.

“At the end of the day as parents we want Bimb to grow up feeling loved & secure.

“James & I as a couple weren't blessed w/ a happy ending but through God's grace we have been given a chance to have an And They Lived Happily Ever After. #peaceful #grateful #happy”

Matatandaan na nang maideklarang “null and void” ang kasal nina Kris at James noong February 2013, nagkaroon ng kasunduan ang dalawa para sa pagbisita ng huli sa kanyang anak.

Basahin: Kris Aquino, ipinagtanggol si James Yap sa mga batikos sa pagkatalo ng San Mig vs Ginebra

Subalit hindi ito naging madali para kay James dahil sa permanent protection order (PPO) na hiniling ni Kris laban sa kanya.

Nakasaad sa PPO na hindi maaaring lumapit si James kay Kris “at such safe distance but not less than 100 meters and from the residence and employment of petitioner Kris.”

Basahin: James Yap, nagulat daw sa pagtatanggol sa kaniya ng ex-wife na si Kris Aquino

Isa ito sa mga dahilan kaya nitong mga nakaraang buwan ay hindi nakikita ni James si Bimby.
Pero nang makarating ito kay Kris, pumayag naman kaagad ang TV host na makasama ni James ang kanilang anak. -- Nerisa Almo, PEP