ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
James Yap sa bagong love life ng ex-wife na si Kris Aquino: 'I’m happy for her'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa victory party na inihanda ng koponang San Mig Coffee Mixers para sa kanilang fans nitong Huwebes ng gabi, March 6., nagbigay ng ilang pahayag si James Yap tungkol sa bagong kasunduan nila ni Kris Aquino sa pagbisita niya sa kanilang anak na si Bimby.
Sa ulat ni Nerisa Almo na nalathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes, sinabing ngayong araw, March 7, ay maaari nang makasama nang regular ni James si Bimby.
Tuwing Biyernes ang araw na napagkasunduan ng dating mag-asawa na magkita ang mag-ama. (Basahin: Kris Aquino and James Yap finally reach 'long-term agreement' about Bimby)
Gayunman, nakangiting tumanggi si James na sabihin kung ano plano niya para sa pagkikita nila ni Bimby.
Basta masaya raw siya na naayos na nila ni Kris ang usapin tungkol sa kanilang anak.
“Ito naman ang gusto ko rin, ang magkaayos na ang lahat," ani James. “Ito yung ipinagpe-pray ko na sana okay na."
Kahit isang beses sa isang linggo lang daw niya makita ang anak, tiniyak ni James kay Bimby na, “Siyempre, nandito lang ang tatay niya."
Dagdag pa niya, “Gusto ko sabihin sa anak ko na mahal na mahal ko siya.”
Kasabay nito, sinabi rin ni James na masaya siya para sa bagong pag-ibig ng kaniyang dating maybahay na si Kris.
Kamakailan ay inamin ng TV host-actress na "in love" siya pero hindi nito tinukoy kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kaniya ngayon.
“Masaya rin ako para sa kanya dahil in love," ayon kay James.
Nang magkita raw sila ni Kris para pag-usapan ang tungkol sa visitation rights ni Bimby, sinabi ni James na, "Sinabihan ko nga siya [Kris], e, sabi ko, ‘Iba ang ihip ng hangin ngayon, ah!’
"I’m happy for her,” habol ni James. “Kailangan masaya rin siya sa lovelife niya. Sana maging happy siya.” -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular