Filtered By: Showbiz
Showbiz

Guji Lorenzana confirms breakup with Kaye Abad


PEP EXCLUSIVE. Kinumpirma ni Guji Lorenzana ang rebelasyon ni Kaye Abad na hiwalay na nga sila matapos ang halos tatlong taong relasyon.

Sa ulat na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, March 17, nagpaliwanag si Kaye kung bakit ngayon lang niya inaming naging sila ni Guji gayong hiwalay na sila.

Sinabi rin ni Kaye, 31, na parang “trial and error” ang kanilang naging relasyon.

At sa kasamaang palad, "error" ang kinalabasan nito at tuluyan na nga silang naghiwalay ng landas ni Guji, 33.

Sa pamamagitan ng telepono, nagpaunlak ng isang eksklusibong panayam sa PEP si Guji.

Isa-isa niyang binigyang linaw ang mga naging pahayag ng ex-girlfriend.
Una, bakit ngayon lang sila umamin gayong hiwalay na sila?

Pahayag ni Guji, “Well, actually ako, I don’t… ‘di ko inisip na three years yung samahan namin ni Kaye, e.

"Kasi umpisa pa lang, wala kaming anniversary date.

"Basta noong nililigawan ko siya, siguro after nung Bud Brothers [2009].

“I treat her na as girlfriend ko. Naging loyal ako, lahat.

"Na gusto naman niya, e, kasi may isang beses na parang nainip ako sa situation namin kasi ‘di namin inaamin, at hindi naman talaga kami.

"Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Na parang sabi ko, ‘Sige, quit na lang ako.'

"Kasi siyempre, gusto ko na bigyan yung sarili ko ng chance na parang maging part ng relationship na totoo, ganyan.
 
“So, in that time, hindi naman siya humabol sa akin, pero ayaw niya ako… parang mawala sa buhay niya.

"So, nung nalaman ko yun, nag-stay ako. And that was three years ago.

"So siguro, sa isip niya, yun yung time na yun na nag-start na parang kami na."
 
Gaya ng sinabi ni Kaye, kinumpirma ni Guji na walang third party sa kanilang hiwalayan.
Saad niya, “Ganun naman talaga sa relationship naman, e, minsan nagwo-work, minsan hindi.

"And siguro, over time na na-realize lang niya na hindi talaga kami.

“Pero ako naman, hanggang ngayon, in love pa rin ako sa kanya.

“I mean, nagho-hope pa rin ako minsan na maayos kasi matagal na din ako naghintay.

"Nagtiis ako talaga, alam mo yun?

“So, yun.”

Sinabi rin ng binata wala talagang naging dahilan ang biglaan nilang paghihiwalay ng aktres-- Arniel C. Serato, PEP