ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Louise delos Reyes sa pagkumpara sa kanila ni Anne Curtis: 'Hindi naman maiiwasan'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Aminado si Louise delos Reyes na hindi maiiwasan na pagkumparahin sila ngayon ni Anne Curtis dahil parehong may temang sirena ang kanilang primetime series.  At kahit may nagkukumpara pati sa dibdib nila ni Anne, iginiit ni Louise na sa acting at sa story nakatuon ang kaniyang pansin.

Sa artikulong isinulat ni Ruben Marasigan na lumabas sa PEP.ph nitong Miyerkules, nagpasalamat si Louise sa lahat ng tumututok sa kanilang programa na "Kambal Sirena."

Masarap daw ang kanilang pakiramdam na naa-appreciate ng marami ang kanilang pinaghihirapan at nakakatanggap sila ng mga magandang feedback mula sa mga manononood.

Dahil may sirenaserye rin si Anne sa kabilang network, inalam ng PEP.ph ang saloobin ni Louise tungkol sa kompetisyon ng kanilang programa.

Ayon sa young actress, nasa manonood na ang pasya kung alin sa programa nila ni Anne ang tatangkilikin. Basta ginagawa umano niya ang lahat para mapaganda ang kanilang serye.

“Ako, ginagawa ko lang yung best ko. And ini-enjoy ko lang yung pagpu-portray ng character ko," anang Kapuso star. "At saka, wala, nagtatrabaho lang talaga ako at ginagalingan ko.”

Nang mabanggit na ang tungkol sa may nakakapansin na mas "well-endowed" daw ang dibdib niya kaysa kay Anne, nagtaka at natawa lang ang young actress.

“Gano’n ba? Uhm… nadadaan ba sa gano’n ‘yon?," tanong ni Louise.

“Hindi! Ako naman… ewan ko, wala naman akong masasabi, e. And hindi ko dun ipino-focus yung attention ko. Mas ano… sa acting ako at sa story itself,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Louise, basta gagawin niya ng mahusay ang kaniyang trabaho bilang artista.

 “Hindi naman maiiwasan na ipapag-compare kayo," anang aktres. “Pero para sa akin talaga, ginagawa ko lang yung trabaho ko. And I’m just doing my best, my very best sa lahat ng ginagawa ko.” -- FRJ, GMA News