ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nikki Gil saddened by spread of her 'braless' photo on Internet
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ikinalulungkot ni Nikki Gil ang pagkalat ng diumano’y “braless” niyang larawan sa Internet.
Iba raw kasi ang dating nito sa mga tao. Aniya, pinagmukha raw siyang desperada.
Depensa ni Nikki sa sarili, “Alam mo, una sa lahat, bakit ko gagawin ‘yon?
“At saka ayoko na kasing patulan, kasi nakakatawa.
"'Tsaka kung braless ako, e, di sana parehong meron.
“Nakakalungkot kasi, pati ba yun, kailangang ano?
"Parang ibinibigay na nga namin yung buhay namin sa buong publiko, sige nang kilatisin ang performance, sige nang pagpiyestahan ang duguan kong puso noon, ba't kailangan ba namang mahubaran pa ako at babastusin nang ganun, ‘di ba?
“Sana huwag na.”
Ito ang naging litanya ng Kapamilya actress-TV host sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Nokia X, ang pinakabagong mobile phones ng Nokia.
Ginanap ang launching sa San Miguel By The Bay ng SM Mall of Asia, Pasay City, noong Sabado, March 29.
Nagalit ba siya nang makita niya ang naturang larawang kumakalat ngayon sa social media?
Tugon ni Nikki, “Hindi naman... nakakalungkot.
“Nakakalungkot na kailangan pang ganun, mabuti sana kung totoo, e.
"'Tapos ikaw na nga yung nabastos, ikaw pa yung tinatawag na papansin, ikaw na yung tinatawag na nagwawala na dahil, ‘di ba, parang talo, talunan ang dating?
“So, sanayan na lang ganyan talaga, e, kasama siya sa trabaho.
"Lunok ka na lang. Pikit.
"Gising sa umaga, 'tapos move on."
DATING AGAIN. Matapos ang halos isang taon pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-boyfriend niyang si Billy Crawford, inamin ni Nikki na nakikipag-date na siyang muli.
Aniya, “Matagal na akong nagdi-date. Matagal na.
"Parang after a few months, yeah, nakipag-date na ulit ako.
“Oo, kailangan, e, para iwas sakit sa puso.
“Masaya... masaya ang puso ko.”
Pero tikom na ang bibig ni Nikki tungkol sa katauhan ng nagpapatibok ng puso niya ngayon.
Lahad ng 26-year-old actress-TV host, “Ayoko muna siyang masyadong itsika.
"Basta masaya ako, happy ang heart ko. Yun na lang muna."
Sa ngayon, ceasefire na raw si Nikki na pag-usapan pa ang dating kasintahan.
Saad niya, “Actually, ayoko na talaga siyang i-discuss.
“Parang mag-iisang taon na, siguro naman puwede na nating iwan sa nakaraan.
“I-let go na natin, as much as possible ayoko na siyang i-discuss.
"Marami namang mas exciting at mas magandang bagay na nangyayari, so let’s dwell…
"I mean, I’d rather dwell on the positive things that are happening in my life.”
May bago raw teleseryeng gagawin si Nikki at malapit na rin siyang muling gumawa ng album. -- Arniel C. Serato, PEP
Tags: nikkigil
More Videos
Most Popular