ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino invites James Yap’s girlfriend to Bimby’s birthday party


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


“We're not yet there but we are almost friends again.”

Ito ang pahayag ni Kris Aquino tungkol sa panunumbalik ng magandang samahan sa pagitan nila ng dating asawang si James Yap.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 1, ibinahagi ni Kris ang tungkol sa kasunduan nila ni James na maghati sa gastusin para sa nalalapit na kaarawan ng kanilang anak na si Bimby.

Magpi-pitong taong gulang na si Bimby sa April 19.

DOUBLE DATE? Ngunit ang mas nakakagulat ay ang imbitasyon ni Kris kay James na dumalo sa naturang okasyon kasama ang girlfriend ng basketbolista na si Michaela Cazzola.

Sabi ni Kris sa caption ng kanyang Instagram post: “Good morning! Life continues to pleasantly surprise me. James asked me yesterday what my plans for Bimb's 7th birthday are & he offered to split the cost w/ me...

“I replied w/ the date & details & the cost. He replied by saying nalaglag sya sa upuan nya pero GO.

“I replied w/ hehehe okay lang whatever lang he was comfortable with. He said, okay lang para kay Bimb.

“I said THANK YOU & please invite your girlfriend to join the celebration...”

Kung saka-sakali, ito ang unang pagkakataon na makakaharap ni Kris ang girlfriend ng kanyang ex-husband.

Bagamat hindi nabanggit ni Kris, posibleng kasama rin sa araw na iyon ang ‘di pa nakikilalang espesyal na lalaki sa buhay ngayon ng TV host-actress.

Matatandaang inihayag ni James na kinumpirma sa kanya ni Kris na isang politician ang idine-date nito ngayon.

FOR THE SAKE OF BIMBY’S WELFARE. Base pa rin sa Instagram post ni Kris, ibinalita niyang wala silang naging problema ni James mula nang nagkaayos sila tungkol sa visitation rights ng basketbolista kay Bimby.

Kuwento pa ng TV host-actress, “We successfully split watching over Bimb in his TVC shoot Friday, I stayed until 6:30 PM & it was his turn until the shoot ended at 9 PM...”

Malaking bagay ito para kay Kris dahil aminado siyang hindi naging madali ang proseso bago naghilom ang sugat na dala ng paghihiwalay nila ni James.

Dugtong ni Kris, “I'm sharing this because it may help those in a similar situation.

“The goodwill started because James text me on my birthday acknowledging that I was an excellent Mom.

“So maybe sometimes when we love our kids, we learn to forgive the failure of the marriage & we focus on succeeding as parents & being happy that we've all moved forward...

“Happy April everybody! God bless us all.” -- Rachelle Siazon, PEP
Tags: bimby, krisaquino