ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Enzo Pineda on Aljur Abrenica as third party in breakup with Louise delos Reyes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

PEP EXCLUSIVE. Isang araw pagkatapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang break na sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes, aksidente naming nakita ang young actor nitong Martes ng gabi, April 1.
Nakapang-gym outfit si Enzo at may binibili sa isang sandwich store sa Eastwood, Libis, Quezon City.
Agad nilapitan ng PEP ang Kapuso actor at tinanong tungkol sa lumabas na balitang paghihiwalay nila ni Louise.
Basahin: Louise delos Reyes and Enzo Pineda split because of Aljur Abrenica?
Napansin naming bagamat nakangiti si Enzo ay may lungkot sa kanyang mga mata.
Nahalata rin naming gusto sana niyang umiwas sa mga tanong, ngunit napilit namin siyang magsalita kahit papaano.
Kumusta na siya?
“Kailangan ko pong maging okay,” sagot ni Enzo.
Marami ang nagkomentong PEPsters na baka “gimik” lang daw nila ni Louise ang breakup na ito para makatulong sa rating ng pinagbibidahang teleserye ng young actress, ang Kambal Sirena.
Pinabulaanan ni Enzo na gimik ang breakup nila ni Louise.
“Parang ang sakit naman kung gagawing gimik ito,” pahayag niya.
Sa huling interview ng media kay Louise sa pocket presscon ng Kambal Sirena noong March 27, sinabi nitong “secure” siya sa relasyon nila ni Enzo bilang magkasintahan.
Ngunit pagkatapos lamang ng dalawang araw, March 29, ay nakipag-break ang dalaga kay Enzo.
Nagkaroon ba sila ng matinding problema kaya biglang nakipaghiwalay si Louise sa kanya?
Sagot ni Enzo, “Lately, wala naman po kaming naging problema. Siya na lang po ang tanungin ninyo.”
Halatang ayaw banggitin ni Enzo ang pangalan ni Louise sa aming pag-uuusap. Sa halip, ginagamit niya ang salitang “siya” bilang pagtukoy sa ex-girlfriend.
ALJUR ABRENICA. Noong lumabas ang balitang naghiwalay na sina Enzo at Louise, nadawit ang pangalan ng leading man ni Louise sa Kambal Sirena na si Aljur Abrenica.
Mayroong kasing naglitawang mga litrato kunsaan “sweet” sina Aljur at Louise sa event ng Ducati, na ginanap sa may Eastwood noong March 27.
Noon namang magha-hatinggabi ng March 27, nakita rin daw ang dalawa na nagde-date sa Subic, Olongapo City.
May lumabas ding isang larawan sa Instagram account ni Aljur kung saan ipinapakita niya ang relong iniregalo sa kanya ni Louise noong birthday niya.
Sa card ay nakalagay na “Leading Man, Better late than never. Happy Birthday.” May lipstick mark pa ni Louise sa card nito.
Dahil sa mga ito, marami ang naghihinalang may nangyayari sa pagitan nina Louise at Aljur na hindi alam ng kani-kanilang kasintahan—sina Enzo at Kylie Padilla, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.
Sa palagay ba ni Enzo ay na-in love si Louise sa iba kaya bigla itong nakipaghiwalay sa kanya?
Naniniwala ba siyang may kinalaman nga si Aljur sa nangyari sa kanilang dalawa ni Louise?
“Gusto kong maniwalang hindi,” maiksing sagot niya.
Ngayong nadawit na si Aljur sa hiwalayan nila ni Louise, sinubukan ba ng young actor na mag-reach out kay Enzo upang magpaliwanag o itanggi ang balita, lalo na sa isyung nakita raw silang dalawa ni Louise na nagde-date sa Subic?
Umiling lang si Enzo, na ibig sabihin ay wala siyang natatanggap na kahit anong mensahe o tawag mula kay Aljur.
Pagkatapos ng huling tanong namin kay Enzo ay nagpaalam na ito sa amin dahil may mga aasikasuhin pa raw siya.
Nabanggit ng aktor na hinahanda niya ang kanyang sarili para sa shooting ng indie film na Sundalong Kanin, isa sa official entries sa Cinemalaya Independent Film Festival 2014.
Ngayong linggo raw sisimulan ang shooting para rito.
Mukhang tututok muna si Enzo sa kanyang trabaho para pansamantalang malimutan ang nangyari sa relasyon nila ni Louise. -- Ruel J. Mendoza, PEP
Tags: enzopineda, louisedelosreyes
More Videos
Most Popular