ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aljur at Kylie, nagkakalabuan kaya dahil sa pagkakadawit ng aktor sa Louise-Enzo breakup?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tikom ang bibig ni Aljur Abrenica sa balitang siya ang dahilan ng paghihiwalay ng kapwa niya Kapuso talents na sina Louise delos Reyes at Enzo Pineda.
Basahin: Louise delos Reyes and Enzo Pineda split because of Aljur Abrenica?
Nagkaroon ng pagkakataon na matanong si Aljur tungkol sa isyu sa ginanap na photo shoot para sa YES! Magazine nitong Martes, April 1.
Subalit naging matipid si Aljur sa pagsagot.
Una ay tinanong siya kung kumusta na sila ng kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.
Matagal bago sumagot si Aljur.
Pero aniya, “Nasa Australia siya ngayon with her family.”
Kinumusta rin si Aljur tungkol sa relasyon nila ni Kylie.
“We're good,” maiksing tugon niya.
Bagamat nasa ibang bansa ngayon ang kasintahan, ayon kay Aljur, “May communication kami.”
Dagdag pa niya, “Okay kami. Maayos naman kami ni Kylie.
“Nasa Australia siya nagbabakasyon, I’m just waiting for her.”
Sinubukang hingan ng komento si Aljur sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Louise at Enzo, pero umiwas ang aktor.
Basahin: Enzo Pineda on Aljur Abrenica as third party in breakup with Louise delos Reyes
Sabi niya, “No comment.”
Sa isang bahagi ng panayam, tinanong si Aljur kung mahal pa rin niya ang dalagang anak ni Robin Padilla.
“Yeah,” maiksing sagot niya.
“I’LL BE OKAY.” Samantala, umani ng espekulasyon ang isang post ni Kylie sa Instagram (kylienicolepadilla) at agad itong iniugnay sa pagkakadawit ng pangalan ni Aljur sa breakup nina Louise at Enzo.
Sa mismong post ay nakalagay ang isang quote: “We never lose Friends. We simply learn who the real ones are…”
Sa post na ito ay may mga nagtatanong kung kumusta na sila ni Aljur.
Nag-comment si Kylie, pero hindi direktang tugon sa mga tanong ng kanyang followers.
Sabi niya, “:) It’s okay I guess. God has a better plan for me. :)”
Bukod sa post na ito, may ilan ding nakapansin na nawala na ang mga larawan ni Kylie sa Instagram na kasama si Aljur.
Sa pinakahuling post ni Kylie sa Instagram noong March 22, isang follower na may username na @benilda55 ang nag-comment: “Parang break na ata cla eh kc binura na ni kylie ang mga pictures nla ni aljur...”
Kabilang sa mga naburang post ni Kylie ang birthday greeting niya para kay Aljur, na nagdiwang ng kanyang 24th birthday noong March 24.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Kylie tungkol sa isyu.
Basahin: Aljur Abrenica, nag-sorry sa mga nasaktan sa naging isyu nila ni Geoff Eigenmann
Samantala, ang kasintahan ni Louise na si Enzo ay umaming hiwalay na silang dalawa.
Pinabulaanan pa niya ang usap-usapan na promo lamang ito para sa teleseryeng pinagbibidahan nina Louise at Aljur, ang Kambal Sirena.
Sabi ni Enzo, "Parang ang sakit naman kung gagawing gimik ito." -- Nerisa Almo, PEP
More Videos
Most Popular