ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras still in touch with ex-girlfriend Ynna Asistio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 
Pagkatapos aminin ni Mark Herras sa publiko na may anak na siya, ngayon ay pinaghahandaan naman niya ang kinabukasan ng kanyang five-month-old daughter na si Ada Sofia Nicolette.

“May naka-allot ako and then may kinuha akong educational plan for Ada para someday, pag nag-aral na siya, hindi na siya mahirapan,” banggit ni Mark.

Inamin ni Mark ang kanyang pagiging binatang ama sa February 23 episode ng StarTalk TX.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Mark noong April 3, Huwebes, sa set visit ng GMA primetime teleserye na Rhodora X, sa The Orchard Golf and Country Club, Dasmariñas, Cavite.

BAPTISM. Ayon kay Mark, sa susunod na linggo ay pupunta siya sa munisipyo, kasama ang kanyang mga magulang, upang asikasuhin ang papeles na kailangan upang masunod sa kanyang apelyido ang pangalan ng anak.

Ngayong April naman pabibinyagan si Ada.

Ilan daw sa mga magiging ninong ay sina Rocco Nacino, Mike Tan, Rainier Castillo, Enzo Pineda, Jay-R, at Kris Lawrence.

Plano ni Mark na gawing pribado ang okasyon para na rin maprotektahan ang kanyang anak at ina ng bata.

“Ayoko siyang ipa-cover sa media kasi it’s for the privacy of the mom.

“Siguro kung maglalabas kami ng pictures, ako at si Ada lang.”

Kumusta ang relasyon nila ng ina ng kanyang anak?

Sagot ni Mark, “Wala, we’re okay.

“Almost every day, pinapadalhan niya ako ng pictures ng baby ko.

"That’s all, walang relationship."
 
COMMUNICATION WITH YNNA. Inusisa naman kay Mark kung bakit sa ibang tao pa nalaman ng kanyang ex-girlfriend na si Ynna Asistio ang tungkol sa pagiging binatang ama niya.

Nagkahiwalay sina Ynna at Mark noong July 2013, pero pagkatapos nito ay lumalabas-labas pa rin sila bilang magkaibigan.

Nalaman lang daw ni Ynna ang tungkol sa pagiging ama ni Mark noong Valentine’s Day, February 14, 2014, mula sa ibang tao.

Aminado si Mark na magkarelasyon pa sila ni Ynna nang mabuntis niya ang ina ng kanyang anak.

“Mahirap sabihin,” sabi ni Mark.

“Nung gusto ko sanang sabihin sa kanya, na 'di ko alam kung paano, nalaman na niya.”

Pero ayon kay Mark, patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Ynna.

"So far, kami ni Ynna, nakakapag-usap kami minsan… nagkakamustahan."

Sa kabilang banda, hindi pa rin daw sila nakakapag-usap ng ina ni Ynna na si Nadia Montenegro.

“Si Tita Nadia, hindi pa. Hindi ko alam kung totoong nagsabi ng status sa Facebook, pero tapos na ‘yon,” aniya tungkol sa sentimiyento ng dating aktres sa nangyari.  

Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Nadia, na nailathala noong February 25, sinabi nitong naramdaman nila ang “betrayal” dahil hindi inamin ni Mark ang tungkol sa pagiging ama nito.

Gayunpaman, sinabi ni Nadia na kinalimutan na niya ang galit kay Mark at ipinagdarasal na sana ay maging mabuting tao at ama ito para sa kapakanan ng anak. -- Bernie V. Franco, PEP
Tags: markherras