ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bela Padilla, wala raw problema sakaling magkita sila ni Marian Rivera
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala raw gustong gawing pagkukunwari si Bela Padilla habang siya’y nag-aartista.
At kasama raw sa kanyang pagpapakatotoo ay ang pag-amin sa relasyon nila ng negosyanteng si Neil Arce.
Mahirap daw kasi kung may karelasyon ka, pero itatago mo ito para lamang maprotektahan ang career o popularidad mo.
Paliwanag ni Bela, “Mahirap kasi kapag may karelasyon ka, ‘tapos ang sasabihin mo ay wala.
“Kasi, baka sa pagsisinungaling mo, mabuko ka rin kapag nagkamali-mali ang mga sinasabi mo.
“Magkukunwari ka, e, ang dami-daming artista ngayon na may karelasyon, ‘di ba?
“Yung sa akin lang kasi, baka naman kung sabihin ko na wala akong boyfriend e masabihan akong, ‘Bela, ang weird naman. Ang ganda mo at sexy din naman, pero bakit walang nanliligaw sa ‘yo?’
“E, baka mahirapan pa akong magpaliwanag.
“Kaya sa tingin ko, kung mayroon man akong boyfriend, hindi problema ‘yon dahil tuluy-tuloy lang din naman ang dating ng mga projects sa akin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine entertainment Portal) si Bela sa dressing room ng Sunday All Stars, sa GMA Studios, noong Linggo, April 6.
NOT IN A HURRY. Hindi pa ba nagmamadali si Neil na magpakasal sila?
Sagot ni Bela, “Wala pa naman kami sa pagmamadali.
“’Tsaka hindi pa rin naman pagpapakasal ang nasa utak ko.
“Nung mag-start kasi ako sa showbiz, ang nasa plano ko talaga, kung magpapakasal ako ay mga 30 na ako dapat.
“E, 22 pa lang ako ngayon.
“Yun ang maganda sa nangyari, na kahit nagka-boyfriend ako na nagsu-showbiz ako, hindi pa papunta sa kasal ang plano ko.
“Alam ng boyfriend ko na career muna ang priority ko sa ngayon.”
BURYING THE HATCHET. Hindi rin daw mapagtanim ng galit si Bela, ‘tulad sa naging alitan nila noon ni Marian Rivera kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos.
Basahin: Dingdong breaks his silence on Marian-Bela rift
Sabi niya nang mausisa tungkol dito, “Hindi pa kasi kami nagkikita pagkatapos nun, e.
“Pero ako, right after na nangyari ang isyu na ‘yon, tapos na sa akin ‘yon.
“Tungkol doon, wala na akong problema, kasi wala naman akong ginawa, e.
“Kaya para din sa akin, wala akong dapat na ikatakot o ika-guilty or whatever.
“Kasi sa totoo lang, nung mangyari iyon, e, ako pa nga yung hindi nagpainterbyu.”
Paano kung magkaharap o magkasalubong sila ni Marian sa GMA compound?
“Bahala na siguro,” sambit ni Bela.
“Matagal na rin naman yung nangyari na ‘yon kaya kinalimutan ko na.
“Nung mangyari iyon, hindi ako galit na galit.
“Natakot lang ako noon para sa career ko dahil baka makaapekto sa akin ang isyu na ‘yon. Pero hindi naman pala.
“Ayokong pangunahan ang mga puwedeng mangyari.
“Kung magkaharap man kami, okey lang. Bahala na.” -- Melchor M. Bautista, PEP
Tags: belapadilla, marianrivera
More Videos
Most Popular