ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Danica Sotto on dad Vic Sotto marrying Pauleen Luna: ‘Too soon’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Para kay Danica Sotto, hindi problema ang malaking agwat ng edad ng kanyang amang si Vic Sotto sa current girlfriend nitong si Pauleen Luna.
 
Si Vic ay 59 years old na, habang si Pauleen ay 25 lamang.
 
Basta para kay Danica, kung saan masaya ang kanyang ama, masaya na rin siya para rito.
 
Pahayag niya, "A lot of people are asking me nga kung ano ang masasabi ko, ano ba ang puwede kong i-comment.
 
"Ayokong magsinungaling. Nung una, parang medyo nakakailang 'yung edad.
 
"Pero nakikita mo naman na masaya sila."
 
Dagdag pa ng panganay na anak ni Vic, "I don't think 'yung pagiging mataray to a person or kunyari magsusungit ako sa tao ay may magagawang kabutihan.
 
"I don't think na may kahihinatnan 'yun.
 
"So, hayaan na lang natin sila and let them be happy.
 
"I will just continue to pray kung ano ang will ni God para sa kanila.
 
"And we'll continue to respect them and be there also for my dad."
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Danica sa Banana Leaf restaurant, sa Promenade, Greenhills, kahapon, Martes, April 22.
 
Ito ay para sa presscon ng "Junior Preneur," isang annual trade bazaar na may layuning bigyan ng inspirasyon ang mga bata para sa entrepreneurship at madagdagan ang kanilang financial literacy.
 
Si Danica ay isa sa sumusuporta sa proyektong ito na gaganapin sa May 4, Linggo, sa Greenhills Shopping Center's Jewellery exhibit area.
 
Friendly
 
Kaugnay pa rin ng relasyon ng kanyang ama, sinabi ni Danica na okey naman ang pakikitungo nila ni Pauleen sa isa't isa.
 
Saad niya, "May times na nakasama ko na rin siya sa mga dinner.
 
"When see each other, okey naman kami.
 
"Very casual lang, kinukumusta niya ako about my kids.
 
"Nagkukuwento siya about my dad.
 
"Masayang-masaya raw ito kapag kasama kaming mga anak niya."
 
Si Danica at ang kapatid nitong si Oyo Sotto ay anak ni Vic sa ex-wife niyang si Dina Bonnevie.
 
Tatlo naman ang anak ni Danica sa asawa nitong PBA player na si Marc Pingris.
 
First move
 
Sino ang unang nagsalita nang magkaharap silang dalawa ni Pauleen?
 
Sagot ni Danica, "Siya 'yung nag-reach out para kausapin kami.
 
"At hindi rin niya pinilit ang sarili niya na parang, 'Oy, pansinin ninyo ako.'
 
"'Yung, kumbaga, hinayaan na niya 'yung time na dahan-dahan na handa na kaming makilala siya.
 
"'Yun naman ang na-appreciate ko sa kanya na, 'Oy, dapat ganito.'
 
"Naa-appreciate ko rin 'yung respect na ibinibigay niya."
 
Stepmom? 
 
Natanong din si Danica kung sa palagay niya ay si Pauleen na ba ang magiging pangalawang asawa ng kanyang ama.
 
Natatawang reaksiyon niya, "Hindi ko alam!
 
"Kung 'yun talaga ang gusto niya at will ni God, then why not?
 
"Nasa sa kanya 'yun at nasa Panginoon."
 
Ngunit dagdag niya, "It's too soon para sabihin kong nakikita ko na siya as potential na [second] wife.
 
"Feeling ko, kailangan ko pa ng mahaba-habang panahon para makilala ko pa siya nang mabuti.
 
"And I think 'yung daddy ko rin ang makakasagot niyan.
 
"If ever, sila ang magsasama, 'di ba?"
 
Ang importante nga raw talaga ay masaya ang kanyang ama.
 
Saad ni Danica, "Oo naman.
 
"Hindi naman ako puwedeng manghusga, kasi sila naman 'yung nasa relasyon, 'di ba?
 
"I mean, I can only continue to respect, love, and pray for my dad.
 
"Pero for me to decide para sa kanya, hindi. Buhay niya 'yun, e."
 
Paano kung isang araw ay sabihin ni "Bossing Vic" sa kanya na magpapakasal na uli ito? Ano ang magiging reaksiyon niya?
 
Natatawa ulit na tugon ni Danica, "O, sige, go!
 
"Basta seryoso siya.
 
"Kasi ibabalik ko rin sa kanya 'yung sinabi niya sa amin ni Marc nung magpapakasal kami: 'Dapat, kung kayo na talaga, siguraduhin niyo na 'yan.'"
 
"So, 'yun." Pep.ph