ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jericho Rosales at Kim Jones, ikinasal na -- PEP


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Photo: Courtesy of Ms. Coney Reyes)

Ikinasal na ngayong Miyerkules, May 1, ang aktor na si Jericho Rosales at ang Filipina-British TV host Kim Jones sa isang intimate garden wedding sa Boracay.

Sa artikulo ni Rommel R. Llanes na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabing naganap ang kasalan, maging ang dinner at program sa Shangri-La's Boracay Resort & Spa.

Suot umano ni Jericho ang sand-colored suit na gawa ni Francis Libiran.



Gawa naman ng Cebu based designer na si Vania Romoff ang gown ni Kim.

Kabilang umano sa mga dumalo sa kasal ay mag-asawang Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano; ang mga anak nilang sina Kiana, Paolo, at Gab na kasama naman ang girlfriend na si Tricia Centenera; Jed Madela, Jay-R, at Coney Reyes.

Naging magkasintahan sina Kim at Jericho nung 2011 at nag-propose ang aktor kay Kim noong Aogosto 2013. -- PEP.ph