ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Yasmien Kurdi hopes for revival of  loveteam with Rainier Castillo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yasmien Kurdi ang muling pagkikita nila ng dating ka-loveteam na si Rainier Castillo.

Nag-guest kasi ang karamihan sa Batch 1 ng StarStruck, kabilang na sina Yasmien at Rainier, sa pilot episode ng bagong morning show ng GMA na Basta Everyday Happy.

Sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman po, masaya!

“Nakakatuwa siya, nakita ko siya, ‘tapos ganun pa rin siya, ‘di ba?

“Tumaba siya dati, ‘tapos ngayon pumapayat na po yata.”

Ano ang mga napagkuwentuhan nila ni Rainier? May isiniwalat ba ito sa kanya tungkol sa personal life nito?

“May girlfriend siya, ang alam ko, non-showbiz,” sabi ni Yasmien.

Pinabulaanan naman ni Yasmien ang balitang may anak na raw si Rainier.

“Wala siyang anak! Kasi kung may anak siya, alam ko na.

“Kasi pamangkin niya nga, proud na proud siya, e, si Biboy.

“Kaya kung magkakaroon siya ng anak, malamang mas proud siya dun, ‘di ba?”

Hindi raw nagkuwento ng anuman kay Yasmien si Rainier tungkol sa girlfriend nito.

“Basta tinanong ko lang siya, ‘Uy, kayo pa ba?’ Sabi niya, ‘Oo.’”

Pagkatapos ng ilang taon ay nagbabalik sa GMA Network si Rainier, na panandaliang lumipat sa bakuran ng TV5.

Wish daw ni Yasmien na mag-guest si Rainier sa Rhodora X, ang primetime series ng GMA kung saan kasama si Yasmien at ang mga ka-batch din nila sa StarStruck na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

“Yun nga, sabi ko sana mag-guest siya sa Rhodora X.

“Pero I guess too late na rin kasi nagawa na yung concept, nagawa na yung script.”

Ikatutuwa raw ni Yasmien kung isa sa next projects niya ay ang balik-tambalan nila ni Rainier.

MARTIN DEL ROSARIO. All-praises naman si Yasmien sa bagong cast member ng Rhodora X na si Martin del Rosario, ang bagong Kapuso na lumipat mula sa ABS-CBN.

Papuri ni Yasmien kay Martin, “Mabait ‘tapos madali siyang katrabaho.

“Like, so far, siya yung pinakamadaling katrabaho ko na na-experience, sobrang daling katrabaho niya.

“Like, sa lines, memorized na niya lahat. And then, ayun, ganun…

“Saka sa lahat, guwapo. Ang ganda ng mukha!”

Lagi raw silang nagkukuwentuhan ni Martin kapag break sa taping.

“Oo, actually, siya yung lagi kong kakuwentuhan ngayon.”

Inalok na ba siya ni Martin ng insurance? Insurance agent kasi on the side ang aktor.

“Wala pa. Alam ko nagbebenta siya ng salamin yata, ang gaganda ng mga shades niya.

“At least masipag siya na tao, ‘di ba? Yayaman siya.”

MARK ANTHONY FERNANDEZ. Lately ay madalas kaeksena ni Yasmien si Mark Anthony Fernandez, na matagal-tagal rin niyang hindi nakaeksena dahil sa takbo ng kuwento ng Rhodora X.

“Medyo, mga isang linggo at kalahati lang naman,” banggit ni Yasmien.

Masaya at maayos naman daw ang muli nilang pagsasama sa taping ni Mark Anthony.

May balita kasing nag-away raw sila minsan sa taping dahil sa working attitude ng aktor, na lagi umanong late sa set si Mark Anthony.

Ngunit mariing tanggi ni Yasmien, “A, hindi! Never.”

Hindi rin sila nag-away?

“Never, never…

“Kung meron mang ano... kunwari kung meron akong co-worker na late or anything or what, wala naman akong care.

“Bahala sila sa buhay nila, basta matutulog na lang ako.

“’Tapos kung ma-pack-up ang ano dahil sa kanila, e, di pack-up.

“E, di may bayad pa rin ako!” tawa ng Kapuso actress.

JENNYLYN MERCADO. Wala rin daw siyang anumang insecurity kahit si Jennylyn ang bida sa kanilang drama series.

Saad ni Yasmien, “Okay rin lang naman po kasi, like si Rhodora kasi, dun talaga tumatakbo ang story.

“And maganda naman yung story itself and even my character po, napakaganda. I love my character.”

Pinabulaanan din ni Yasmien ang intrigang naiinggit siya kay Jennylyn dahil mas mataas daw ang talent fee nito sa kanya.

“Okay lang yun. Hello!” bulalas niya.

“Umalis naman ako sa showbiz and bumalik ako, so hindi naman siya isyu sa akin—yung billing and yung mga talent fee.

“Huwag niyo nang gawan ng isyu!

“Masaya na ako, kaibigan ko siya.”

Ano ang regalo niya kay Jennylyn dsa birthday nito noong May 15?

“Wala, prayers, love!” natawang sabi ni Yasmien.

“Birthday rin kasi ni Rey, magkasabay sila ng birthday,” pagtukoy ni Yasmien sa mister niyang si Rey Soldevilla Jr.

Ano ang regalo niya kay Rey?

“Wala din, prayers and love. May regalo siya sa akin, flowers, ako wala!” tawa na naman niya. --  Rommel Gonzales, PEP