ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-wife ni Vic Sotto na si Dina Bonnevie, bakit humanga kay Pauleen Luna?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Wala raw ibang hangad ang aktres na si Dina Bonnevie para sa kaniyang ex-husband na si Vic Sotto kung hindi ang maganda nitong kalusugan at kaligayahan sa piling ng babaeng tunay na magmamahal sa kaniya sa habambuhay; ito man ay maging si Pauleen Luna, na kasalukuyang nobya ng "bossing" ng Philippine showbiz.

Sa artikulong isinulat ni Glenn Regondola na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabing hindi naiwasan na mahingan ng komento si Dina tungkol sa buhay-pag-ibig ni Vic, na ama ng kaniyang mga anak na sina Oyo Boy at Danica.

May sarili na rin kasing buhay ngayon si Dina na ikinasal kay Ilocos Sur vice governor Deogracias Savellano noong March 2012.

Gayunman, inihayag ni Dina ang paghanga niya kay Pauleen dahil sa pagsuporta nito sa birthday party na inihanda ng kanilang mga anak para kay Vic. Gayundin sa pananatili ni Pauleen kay Vic sakabila ng mga pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Kahit malayo umano ang agwat ng edad nina Vic (60-anyos) at Pauleen (25-anyos), sinabi ni Dina na hindi dapat ibase sa edad ang sensiridad ng isang tao na magmahal.

"Probably a lot of people judge Pauleen na, 'Parang bata 'yan. How can she fall in love with a sixty-year-old? C'mon, parang it's next to impossible.'

"Pero hindi natin puwedeng ma-judge yung tao, e.

"I mean, inisip ko na lang na through all these na she has to deal with Danica, Oyo, and others, it's not an easy task.

"So, since nandiyan pa siya, it must be something...," ani Dina sa ulat ng PEP.

Noong una'y nagpahayag ng hindi pagsang-ayon si Oyo sa napapabalita pa lamang noon na relasyon ng kaniyang amang si Vic kay Pauleen. Pero paglipas ng panahon, tila natanggap na rin ni Oyo ang relasyon ng dalawa para sa kaligayahan ng kaniyang ama.

Basahin: Oyo Sotto, tutol sa umano’y Vic Sotto-Pauleen Luna romance

Basahin: Oyo Boy Sotto on dad Vic Sotto's love life: 'At least, masaya si Daddy, di ba?'

Sa pananaw din ni Dina, hindi rin umano madali para kay Pauleen na kasama nito sa "Eat Bulaga" ang naging ex-girlfriend ni Vic na si Pia Guanio, na may sarili na ring pamilya ngayon.

Bukod pa diyan ang mga hinala at paghuhusga ng ilan na baka pera lang ang habol ni Pauleen kay Vic.

"Some people would say na she's just after the money, but can you imagine how much this girl has to put up with?

"The fact nga na nandun pa siya, 'E' [for excellent] or 'A' for effort yun.

"Hinahangaan ko siya kasi hindi naman madali yun," pahayag ni Dina.

Ang hangad umano ni Dina, kung talagang nagmamahalan ang dalawa ay makasama ni Pauleen si Vic kahit na maputi na ang buhok nito. -- FRJ, GMA News