ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Once and for all, KC Concepcion addresses pregnancy rumors: 'Never akong nabuntis'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagbabalik ni KC Concepcion mula sa matagal-tagal ding paglalagi niya sa ibang bansa, sinalubong din siya ng kontrobersiya.
Ito ay may kinalaman sa mga larawan nila ng rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino na kuha sa Baguio City, ang hometown ng aktor kung saan naninirahan ang pamilya nito.
Sabi ni KC sa isang showbiz talk show nitong Linggo, “May mga times din na medyo... parang gusto kong maglakad.
"Gusto kong... ‘di ba, yung maramdaman ko lang na normal ako.
"I mean, hindi ako natatakot na maglakad sa street of Manila, yung ganun.
“And napag-usapan lang namin [ni Paulo] one time and nagplano siya na parampahin ako sa Session Road.
"Pero day trip yun, actually."
Pag-amin din niya, “Pero kinabahan ako kasi first time ko rin na walang maraming kasama.”
NOT PREGNANT. Sinagot na rin ni KC ang isyung nabuntis daw siya.
Saad niya, “Yung fact na umiikot na yung pregnancy rumor na yun, parang dumating kasi sa point na 18 years old pa lang ako, nandoon na yung isyu na yun.
"Pakiramdam ko na sobrang wala talagang katotohanan.
"Ayan, ha, para klaro sa lahat, sobrang wala talagang katotohanan.
“Never ho, ever, nabuntis ako sa buong buhay ko at lalong never ho akong nagpa-abort.
"Hindi nga ako nabuntis, paano akong magpapa-abort?"
PLEASE STOP. Maski raw ang ina niyang si Sharon Cuneta at ang kanyang mga kapatid ay nagtatanong na rin.
Sabi ni KC, "Pero siyempre, nasasaktan din ako kapag mommy ko na ang nagtanong or kapatid ko na ang nagtanong.
"Parang doon ako nahihirapan, sa totoo lang.
"Kasi parang paulit-ulit na lang na tinatanong sa akin at parang paulit-ulit din naman ako nagde-deny.
"Kasi yun naman ang totoo, kaya parang ‘wag naman po, please… nagmamakaawa po ako sa inyo.
"Huwag niyo naman pong ulitin ang rumor na yun kasi wala po talagang katotohanan.
"At saka, masakit din po for my sisters para maisip pa nila na ganun, ‘di ba?
“Parang, huwag naman po, lalo na kapag pamilya ko na ang nagtatanong, yun po ang masakit sa akin.”
MALICIOUS. Sinagot na rin ni KC maging ang malisyosong isyu na diumano’y anak daw niya ang mga kapatid na sina Miel at Miguel.
Ayon kay KC, “Kung hindi naman nagpa-abort, so nanganak nga.
"'Tapos anak niya is yung kapatid niya. Kung hindi si Miel, si Miguel naman.
“Parang ano ba naman kayo, nagtatrabaho lang ako dito.
“Pati rin naman siguro sila, nagtatrabaho.” — Rose Garcia, PEP
Tags: kcconcepcion
More Videos
Most Popular