ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ano ang mga katangian na nakita nina Dingdong at Marian sa isa't isa?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bago ang public announcement nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng kanilang engagement, madalas silang tinatanong noon ng press kung kailan sila magpapakasal.
Basahin: Dingdong, Marian announce wedding date, venue
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, dalawang taon na palang engaged ang showbiz couple bago pa man mag-propose si Dingdong kay Marian, sa ikalawang pagkakataon, noong August 9.
Gaya ng alam na ng publiko, unang nag-propose si Dingdong kay Marian noong August 2012 sa Macau.
Sa press conference na inihanda ng GMA Network para kina Dingdong at Marian nitong Biyernes, August 15, tinanong ng entertainment press ang engaged couple kung ano ang naging deciding factor kung bakit napagdesisyunan na nilang lumagay sa tahimik.
Sagot ni Dingdong, “Tingin ko, yung spiritual preparedness at level of maturity.
“Sa amin, dumating lang talaga at napag-usapan namin na it’s really time already, right after that proposal.
“Wala naman kaming hinintay na kailangan tapusin or kailangan gawin. Wala naman anything, e.
“Malaking factor na rin yung edad. Pero, I guess, pinakamahalaga sa lahat yung willingness namin to start a family together.
“Yun ang pinakamalaking factor to consider.”
Si Dingdong ay 34 years old, habang si Marian naman ay 30.
Anong mga katangian ang nakita nila sa isa’t isa na nagpatindi ng kanilang pagnanais na makasama ito habambuhay?
Saad ni Dingdong, “Malaking bagay sa akin yung taong willing na magsakripisyo at gawing priority ang pagbuo ng isang pamilya.
“Kasi hindi lahat, yun ang priority.
“Mapalad talaga ako na ganun yung sa kanya [Marian].”
Dagdag niya, “Isang malaking dahilan para sa akin, personally, is nakita ko kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya ko at kung gaano kahalaga ang pamilya niya sa akin.
“Yun talaga ang isa sa mga kinonsider ko.
“Siyempre, yung mga indibidwal naming katangian… perfect housewife talaga siya.
“Bukod dun, mahal niya yung mga taong mahal ko.”
Ayon naman kay Marian, “Alam naman natin lahat guwapo siya… lahat ng katangian.
“Pero ang isa sa pinakamapagmamalaki ko, siya yung tipo ng partner na dadalhin ka niya sa mas magandang pananaw, mabuting pag-uugali.
“Kasi kapag may mga partner, napansin ko, hindi ko naman nilalahat, pero napansin ko sa ibang kaibigan ko na, halimbawa may something yung isa, sinusulsulan pa ng boyfriend.
“Si Dingdong, hindi ganun.
“Siya yung tipo ng tao na, ‘Hayaan mo na, relax ka lang, matatapos din.’
“So, dinadala niya yung magandang pag-uugali mo na… siya yung isa sa mga dahilan para mas maging mabuti pa ako. So, yun.
“Siya yung isa sa mga taong nagga-guide sa akin para maging mas mabuting tao.
“Hindi siya sulsulero, so lalaki siya.
“Magandang impluwensiya po siya sa akin.”
Ngayong malapit na silang ikasal, matatapos na rin kaya ang isyu tungkol sa pagiging selosa diumano ni Marian?
Sagot ng aktres, “Ayun na naman. Pero sandali lang, sige…
“Nakakasawa na. Siguro after naman nito, tama na po.
“Tama na po kasi rinding-rindi na po ako.
“Ang isang babae, hindi magseselos kung walang nakikitang kamalian na nakikita niya sa ibang babae.”
Sa ibang babae, hindi naman kay Dingdong?
“Ang bait niyan, e!” sagot ni Marian. -- Erwin Santiago, PEP
For more on this story, visit PEP.ph.
Tags: marianrivera, dingdongdantes
More Videos
Most Popular