ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pamilya ni Tiya Pusit, nanawagan ng dasal para sa kanyang heart bypass operation
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong araw, September 9, nakatakdang sumailalim sa double heart bypass surgery ang komedyanang si Tiya Pusit—o Myrna Villanueva sa totoong buhay.
Sa panayam sa kapatid na si Nova Villa sa telebisyon, sinabi nitong kahit na may karamdaman ang kanyang kapatid ay "in high spirits" pa rin ang 64-year-old comedienne, na kasalukuyang naka-confine sa Philippine Heart Center.
Pahayag ni Nova, “Kapag kausap mo naman siya, nandun pa rin ang humor niya.
“Gusto niyang mabuhay.
"Yung mga dreams niya, yung mga gusto niyang mangyari na hindi ko pa narinig noon, ngayon, gusto niyang gawin.
“Something like ‘Kapag ako gumaling’ or ‘Kapag ako malakas na.’
"Magaganda yung mga gusto niyang gawin. Meron siyang mga gustong tulungan."
Suportado raw ng buong pamilya si Tiya Pusit at nag-aalay sila ng misa para sa agarang paggaling nito.
Saad pa ni Nova, “The mere fact na siya ay ooperahan, ibig sabihin ay talagang grabe yung mga bara sa puso niya.
"Sometimes, kapag nagkakaedad na, umaandar na din yung genes ng pamilya na hindi na rin maiiwasan.
“Naging iba yung pananaw niya. Sabi ko, ‘Of course you’re going to survive itong krisis na ito.’”
Bukod sa nakatakdang opersayon sa puso, sumasailalim din sa dialysis sessions si Tiya Pusit tatlong beses sa isang linggo.
Nananawagan din ang pamilya ni Tiya Pusit ng dasal mula sa publiko. — Arniel C. Serato, PEP
Tags: tiyapusit
More Videos
Most Popular