ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bea Binene sa kanilang relasyon ni Jake Vargas: 'I know my limits'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Hindi raw mahirap para kay Bea Binene na kaeksena ang real-life boyfriend niyang si Jake Vargas sa mga proyektong pinagsasamahan nila sa GMA Network.

Gaya na lamang sa Strawberry Lane, ang pinakabagong drama series ng Kapuso network.
Saad ni Bea, “Hindi naman po.

“Para sa akin, mas madali po iyon, kasi siyempre parang ano, e…

“Kami ni Jake, parang four years na talaga kaming magka-loveteam, so talagang gamay na namin ang isa’t isa.

“Talagang mas magaan na yung working relationship namin, ganun.”

Wala naman daw silang technique na ina-apply kapag magkaeksena basta't nagbibigayan lamang at may kaniya-kaniya rin silang pinaghuhugutan o motivation kapag mabigat ang kukunang tagpo.

YOUNG LOVE. Sixteen years old pa lamang si Bea, habang si Jake naman ay 22 na.

Apat na taon na silang magka-loveteam, pero ang relasyon nila ay dalawang taon at kahalati pa lamang.

Paano nadadala ni Bea ang puna ng iba na bata pa siya ay may karelasyon na siya?

Saad ng Kapuso actress, “Siguro ano, nasa pagha-handle lang naman po iyan ng mga bagay-bagay.

“At ako, I know my limits.

“Alam ko po kung hanggang… kung ano at kung alin yung mga dapat na ginagawa ko.

“At alam ko po kung hanggang saan po ako dapat pupunta.”

May isyung dominante raw si Bea kay Jake, na sa relasyon nila ay “ander” niya ang young actor.

“Sino nagsabi? Ay, naku, hindi po, ha!” natatawang tanggi ni Bea.

Karamihan sa nagkakalat ng ganitong isyu ay bashers niya sa social media.

“Ay, marami po sila!” bulalas niya.

Iginiit ni Bea na hindi “ander” si Jake sa kanya.

“Hindi po, hindi po.

“Basta kami, alam namin na… kumbaga, basta kami, transparent kami sa isa’t isa.

“Alam ko yung nararamdaman niya, alam niya yung nararamdaman ko. Iyon.”

Sino ba ang mas nasusunod sa relasyon nila ni Jake?

“Pareho. Pareho po,” sagot ni Bea. --  Rommel Gonzales, PEP

For more showbiz stories, visit PEP.