Kris Bernal slams ex-BF for public talk about their past relationship
Zero ang lovelife ni Kris Bernal dahil tapos na ang relasyon niya sa aktor na si Carl Guevara.
Hindi naman itinanggi ni Kris na hindi sila nag-uusap o nagkikita ni Carl simula noong naghiwalay sila.
"Maayos naman kaming nag-usap. Pero after nga no'n, wala ng communication.
"Siguro busy siya, kasi nga nasa TV5 siya ngayon, ‘di ba? Marami yata siyang gagawin na show doon.
"Sa akin naman, wala akong dapat na ikasama ng loob kasi maayos naman ang pag-uusap namin. Ewan ko lang sa kanya.
"Kasi siya naman itong hindi na nakikipag-communicate, e. Kaya hindi ko tuloy masabi kung friends pa ba kami o hindi," paliwanag niya.
Hindi nga nagugustuhan ni Kris na may mga sinasabi si Carl tungkol sa kanya at nababalitaan pa niya ito sa ibang tao.
"Ganito na lang. Never akong nagsalita about sa relasyon namin. Kung hindi ko man inamin before na kami, may rason naman iyon at alam ni Carl iyon.
"From the start naman, alam niya na may ganitong limitation. May mga hindi puwedeng gawin.
"Carl knows that, pero nakakagulat lang na may mga sinasabi raw siya na ganito ako, kesyo hindi ko raw siya sineryoso. Unfair naman iyon para sa akin.
"I tried to keep quiet about it pero bakit sa kanya pa nanggagaling yung mga sali-salita? May hindi tama doon, 'di ba?" diin pa ni Kris.
Nanggaling nga kay Carl na dalawang taon daw silang nagkaroon ng relasyon ni Kris. Pero ayon naman sa aktres, hindi raw official iyon.
"On and off kasi kami ni Carl. Kaya parang hindi naman umabot ng two years. Hindi naman siya bilang, e.
"Marami kaming hindi napagkakasunduan talaga. Kaya nangyayari yung mga tampuhan sa amin noon.
"Kaya naiisip ko nga na it's better na ganito na lang ang nangyari. Mahirap na yung may stress sa buhay.
"Pero ang masasabi ko naman, mabait si Carl. Wala akong naging reklamo sa personality niya. Yun nga lang, wrong timing lang talaga. Maybe we deserve to be happy with other people," sabi pa niya. — Ruel J. Mendoza, PEP
For more on this story, visit PEP.