ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Benefit concert for Tiya Pusit will push through even after her death



 
Tuloy ang benefit concert para kay Tiya Pusit, kahit pumanaw na siya nitong Huwebes ng gabi, October 2, sa edad na 66, dahil sa mga kumplikasyon na resulta ng kanyang kidney illness at aortic aneurysm.

Basahin: Celebs, netizens mourn death of veteran comedienne Tiya Pusit

Basahin: Comedienne Tiya Pusit passes away

Basahin: Benefit concert para kay Tiya Pusit, idaraos ng ilang local artists

Magaganap sa Linggo, October 5, sa Zirkoh Morato ang concert for a cause na dadaluhan ng mga artista na nagmamalasakit sa namayapang komedyante.

Nagkaroon ng isyu ang benefit concert noong huling linggo ng September dahil sa reaksiyon ng anak ni Tia Pusit na si Christian Uybengkee.

Ito ay pagkatapos niyang mabasa ang post ni Sherilyn Reyes, na nag-aanyaya sa mga kapwa artista na makilahok sa event na gaganapin sa Zirkoh: 

“Coupled with prayers, tara let’s help Tia Pusit! See you guys on October 5. Lahat nagkakaisa para sa mahal nating si Tya Pusit!”

Marami ang na-offend sa reaksiyon ni Christian  na “We are not informed nor aware about this benefit concert  for our mother. I’m pretty sure, they will use my nanay situation to collect funds and pocket it from their own benefit.” (sic)

Binawi ni Christian ang kanyang maaanghang na pahayag at humingi siya ng paumanhin kay Sherilyn nang makausap niya ang organizers ng benefit concert, at malaman ang magandang intensiyon ng grupo na makatulong sa medical expenses ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

Nabuo ang plano na benefit concert para kay Tiya Pusit noong naka-confine pa siya sa Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine Heart Center dahil sa double bypass heart surgery.

Lumala ang kalagayan ni Tiya Pusit matapos ang operasyon dahil nagkaroon siya ng “two episodes ng stroke, blood clots with little brain activity, at failing kidney,” ayon sa text message na natanggap ng PEP mula sa kanyang pamilya.

Myrna Villanueva ang tunay na pangalan ni Tiya Pusit at younger sister siya ng veteran actress na si Nova Villa.

Naulila ni Tiya Pusit ang kanyang apat na anak. --  Jojo Gabinete, PEP
Tags: tiyapusit