ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kuya Germs clueless on rumors of Willie Revillame's entry into GMA-7 fold
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May kumalat na balita na lilipat sa GMA-7 ang TV host na si Willie Revillame. Kadugtong ng balita, ang programa ni Willie ang ipapalit diumano sa Walang Tulugan.
Mabilis niyang sagot, “Ay, hindi naman. Imposible yung ganoong oras na hatinggabi, 'no?”
Naalarama ba siya nung lumabas ang ganoong balita?
“No, no, no. Let’s wait and see because Willie is Willie, okay?
“And thankful din ako dahil nag-donate siya para sa ginagawa ko na every December may Walk of Fame.
“In fact, hindi naman dahil sa binigay niya ako, kaya ko ilalagay ang pangalan niya this coming December.
“Dapat ‘yan noon pa, e. Pero nung sinabi sa akin ni Mareng Cristy [Fermin] na wala pang time si Willie, so, hindi naming matuluy-tuloy.
“So ngayon, itong December 1 kasama ang kanyang pangalan sa Walk of Fame.”
Confirmed na ba ang show ni Willie sa GMA-7?
“I don’t know. I’m sorry, wala akong alam kung anuman ang nagyayari, kung anuman ang pagpaplano. Basta ang sa akin lang, e, kung dumating, e, di okey, i-welcome. Wala naman akong ano diyan.”
Nabalita rin na ilalagay ang show ni Willie as pre-programming ng Sunday All Stars. Totoo ba?
“E, di kung ganoon din, di go, go, go!”
Bilang consultant ng programang Sunday All-Stars, sa tingin niya makakatulong si Willie at programa niya as pre-programming for their show?
“Well, ah, who knows? Ano naman, e. Alam ko kanya-kanyang panahon naman 'yan, e. Kahit Sunday All Stars, nakikita natin na kung ano ang problema, e, siguro ginagawa naman nila ang lahat ng magagawa. And pag-ikot ng ano niyan, e, may pagbabago na naman. Ganoon lang 'yan.” — Julie E. Bonifacio, PEP
Tags: kuyagerms, willierevillame
More Videos
Most Popular