Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili admits initiating breakup with Kris Lawrence


 

Marami ang nanibago sa bagong hairstyle ng Kapuso actress na si Katrina Halili.

Nagpaikli ng buhok si Katrina, at una itong nasilayan ng entertainment press sa story conference ng pelikulang Child House, noong October 13, Lunes, sa New Horizon Hotel, sa Mandaluyong City.

Sa presscon proper, marami ang naintriga sa pahayag ni Katrina na “nagising na si Sleeping Beauty” at ibinabalik na raw niya ang dating siya.

Ano ba ang ibig niyang sabihin dito?

Tugon ng 28-year-old actress, “Kailangan nang bumalik… ‘sleeping beauty’ ako. 

“Parang bumalik na ako sa yung dating ako.

“Hindi naman kontrabida palagi. Puwede namang bumalik-balik. 

“Parang… happy na ako sa work ko.

“Para kasing after nung nangyari, parang palagi akong deadma na lang, yung ganyan, parang nagpabaya talaga ako.”

Ang tinutukoy ni Katrina na nangyari sa kanya ay kinasangkutan niyang sex video scandal noong 2009.

Noong isang linggo lang daw napagdesisyunan ni Katrina na kaya pa rin naman pala niyang bumalik sa dating siya at gisingin nga si “Sleeping Beauty” sa katauhan niya.

Paliwanag pa niya, “Ako kasi dati, parang kuntento na ako. Parang okey na, kahit ano na lang.

“Pero ngayon, siyempre may anak na ako.

“Na-realize ko na gusto kong magtrabaho, para siyempre sa anak ko.

“And mahal ko yung trabaho ko.”

Nagkaroon ba ng pagkakataong nawalan siya ng ganang magtrabaho?
 
“Parang… parang feeling ko noon, parang naging thankful na lang ako.

“Kasi, after ng nangyari sa akin, meron pa rin akong work. Parang ganun.”

Nawalan siya ng drive?

“Oo, parang ganun. Parang nawalan ako ng confidence.

BREAKUP. Natawa naman si Katrina nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ang “new look” niya ay may kinalaman sa breakup nila ng singer na si Kris Lawrence.

Paglilinaw niya, “Hindi naman, basta gusto ko ng pagbabago ngayon.

“Hinanap ko talaga si Jing Monis at sinabi ko na gusto ko ng bagong look.”

Bakit sila bigla silang umamim ni Kris na hiwalay na sila?

“Ayoko na pong pag-usapan yun,” iwas ni Katrina. “Basta ako, ang drive ko ngayon, career lang.”

Hindi rin daw siya nag-e-entertain ng anumang manliligaw o kahit na sinong lalaki.

Sabi niya, “No, ayoko ng boys.

“Ayoko, career na lang muna.

“Parang nawawala kasi ako sa sarili ko kapag may boys.

“Parang nawawala yung drive ko sa work.”

Walang third party?

“Wala, wala… nag-decide lang talaga ako na, ‘Wait lang, may mga kailangan tayong gawin sa sarili natin.’

“Siya, meron. Ako, meron din.

"So, yun… hindi pa kami ready.'

Pagtatapat pa ni Katrina, siya ang nagdesisyong maghiwalay na sila. Paano yun tinanggap ni Kris?

“Wala na siyang magagawa, hindi na smooth yung relationship, e.

“Parang, basta… sa tingin ko, mas okey na ganito na lang muna—friends.

“Wala namang masama dun.”

Wala na siyang nararamdaman para kay Kris?

Tugon niya, “Feeling as a friend.

“Pero huwag na nating anu-anuhin, maiisyu pa. Hahaba na nang hahaba.

“Wala naman kaming movie, hindi naman kami loveteam.”

May ibang taong involved ba kaya nawala ang romantic feeling niya kay Kris?

Sabi ni Katrina, “Mas na-realize ko na kailangan kong mag-work. 

“Pumupunta naman siya palagi sa bahay. Nilalaro niya si Katie.”

Bilang mga magulang, sinabi ni Katrina na okey sila ni Kris.

Sa ngayon, masaya raw si Katrina at uunahin na muna niya ang trabaho, pamilya at anak, at saka na ang boys. -- Rose Garcia, PEP
 
For the full story, visit PEP.
LOADING CONTENT