ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nadine Samonte, umaming kasal na sa non-showbiz boyfriend


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 
Umamin ang aktres na si Nadine Samonte na isang taon na silang kasal ng negosyanteng si Richard Chua.

Ikinasal sina Nadine at Richard sa isang farm na pag-aari ng ina ng huli, ang dating aktres na si Isabel Rivas, sa Zambales, noong October 30, 2013.

Officially, Mrs. Nadine Eidloth-Chua na ang 26-year-old actress.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Nadine noon sa panayam ng PEP, na lumabas noong April 8, na posibleng mangyari ang kasal nila ni Richard ngayong 2014 o kaya ay early 2015.

Yun pala ay kasal na sila nang makausap siya noon ng PEP sa shooting ng pelikulang Dementia sa Bustos, Bulacan.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine sa Shop’s Hub, Fishermall, Quezon Avenue, nitong Biyernes, October 17, ibinahagi ng aktres kung paano nila nagawang itago sa publiko ang kanilang pagpapakasal.

Unang ibinida ni Nadine ang suot-suot niyang wedding ring sa PEP, subalit nang hingan ito ng detalye ay tumanggi muna ang aktres.

Sabi niya, “Hintayin niyo na lang, may announcement kaming gagawin sa October 30—our first year anniversary.”

Pero sa pangungulit na rin namin ay unti-unti nang nagkuwento si Nadine tungkol sa napakapribadong pag-iisang dibdib nila ni Richard.

Bungad niya na patawa-tawa habang nakaakbay ang kanyang mister, “Anong kailan? Wala, wala… basta. Bahala kayo!

“Basta ngayong October, ilalabas naman naming lahat.

“Mas maganda kasi yung may privacy talaga.

“Basta, mag-abang na lang kayo sa social media!”

Nakatakda pala nilang ilabas sa kanilang Instagram account ang tungkol sa detalye ng kanilang pagpapakasal, kung hindi namin siya napaamin kahapon.

Bakit nila ginawang sikreto ito nang matagal na panahon?

Paliwanag ni Nadine, “Kasi nga, we’re waiting for the right time,

“Halos lahat nga sa family ko ay wala din dun, iilan lang.

“Nandun din ang family niya, pero hindi kumpleto lahat.

“Yun nga, para ma-enjoy namin yung privacy.

“Pati mga ninong at ninang, mga close din naming lahat, kaya wala talagang nagsalita. Na-keep din nila lahat.

“Walang media, walang naglabas ng pictures.

“It was a farm wedding.”

Dagdag niya, “Yun nga, plinano namin na yung announcement namin ay sa one year anniversary, sabay sana ng announcement ng baby namin, sana…

“Pero, right now, enjoy muna namin ang isa’t isa.”

Wala nang gaano pang detalyeng ibinahagi si Nadine, maliban sa ang ina niyang si Edjenta Burgos ang naghatid sa kanya sa altar dahil hindi nakadalo ang kanyang amang si Frank Eidloth, na isang German national.

Ipinakita ni Nadine sa amin ang ilang wedding pictures nila, pero pinakiusapan niya kaming huwag itong kunan ng litrato dahil sila raw ang mismong maglalabas nito.

Kwento pa ng aktres, “Nagkakilala kami, after a week, naging kami.

“‘Tapos, after three months, nag-propose siya in a building.

“After six months, we got married.”

Nakatakdang tumulak ang mag-asawa papuntang Bali, Indonesia, sa October 28, para sa kanilang second honeymoon.

Ang unang honeymoon nila ay ginawa sa Hong Kong. -- Glenn Regondola, PEP

For the full story, visit PEP.