ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Glaiza de Castro still waiting for closure after breakup with Felix Roco four years ago
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Hindi, kasi medyo naging choosy din ako.”
Ito ang nabanggit ni Glaiza de Castro na posibleng dahilan kung bakit single pa rin siya, kahit apat na taon na ang nakalilipas mula nang matapos ang relasyon nila ng aktor na si Felix Roco.
Inamin ni Glaiza na may trauma pa rin siya mula sa huli niyang relationship kaya hindi na muna siya nagbu-boyfriend.
Saad niya, “Sa mga previous relationships ko kasi, parang wala siyang closure. Medyo mahirap, 'tapos parang left hanging. So, natakot ako dun sa attachment... kumbaga, mag-jump into a relationship na alam kong hindi pa ready yung guy."
Sinabi ni Glaiza na open naman daw siya kung may darating na lalaking pasok sa katangian na hinahanap niya.
“Until ready na yung guy, kung may nanligaw man, 'tapos nakita kong ready siya, or makita ko yung mga qualities na hinahanap ko. Kasi siyempre, 'di ba, 'pag nanliligaw, palaging best foot forward?"
Inamin din ni Glaiza na wala pang closure ang naging relasyon nila ni Felix. “Ang nangyayari, ilang months, okay... Tapos ilang months na nawala na lang, as in nawala. Walang kahit na ano. Hindi pa naman ako matanong. Hindi ko pinupuwersa yung isang tao kung ayaw niya. "Hindi ko pipilitin, hindi ako ganun.”
Kahit hindi gaano nagtagal ang relasyon at naging malabo ang naging hiwalayan nila ni Felix, klaro naman daw na mag-boyfriend at girlfriend sila noon.
“Hindi kami umabot ng isang year, parang ilang months.... Tapos nag-off, 'tapos bumalik ulit. Tapos, parang wala na. Nag-disappear na talaga siya. Tapos ako naman, hindi ko na siya hinanap. Parang, 'A okay, hindi sumasagot, okay.'" -- Bianca Geli, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: glaizadecastro
More Videos
Most Popular