ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vice Ganda reveals reason for recent hospital confinement


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Marami ang nag-aalala sa ilang araw na pagkawala ni Vice Ganda sa kaniyang noontime show ng dahil sa pagkaka-confine niya sa ospital.
 
Nag-alay pa nga ng dasal on-air ang mga kasamahan ni Vice sa programa para sa mabilisang paggaling niya.
 
Iba’t ibang kuwento ng sakit ni Vice ang lumabas.
 
Nandiyang may nakita raw na cyst sa kidney ng comedian, may acid reflux daw siya, at may polyps daw sa kanyang lalamunan.
 
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice sa studio ng It’s Showtime noong Miyerkules, October 22, ay kinumusta namin ang kalagayan niya ngayon.
 
Aniya, “Okay naman ako, kailangan ko lang magpahinga, pero okay naman ako.
 
“Need ko lang ipahinga kasi hindi puwedeng ma-stress ang lalamunan ko, hindi puwedeng ma-overwork, kaya relax-relax lang.”
 
Ano nga ba ang sakit niya base sa tests na ginawa sa kanya.
 
Ayon kay Vice, “Nung ultrasound, nakitang may cyst sa kidney.
 
“Pero maliit na maliit lang, nothing to be alarmed, hindi siya dangerous, wala lang.
 
“Ang problema ko talaga ay yung acid reflux ko, siya yung naging dahilan kung bakit namaga ang esophagus ko, na okay na.
 
“Siya rin ang dahilan kung bakit lumala yung polpys ko sa lalamunan kaya yun ang inaano ko—yung acid reflux.”
 
Ang acid reflux, ayon sa medicalnewstoday.com, "a very common symptom of burning pain felt internally around the lower chest area, caused by stomach acid flowing back up into the food pipe."
 
Aminado naman si Vice na naging masyado siyang kampante at napabayaan talaga niya ang kanyang kalusugan.
 
“Matagal na, bumalik lang, e.
 
"Kasi nga, ‘di ko nabantayan yung acid reflux, e, yun ang nagsimula ng lahat.
 
“Nung akala ko na magaling na ako, hindi na ako uminom ng gamot na pang-maintain, dinedma ko na.
 
“Bumalik, ‘tapos mas lumala after nitong ‘Magpasikat’ [segment sa It’s Showtime]…”
 
Totoo bang magpapaopera siya?
 
Sagot ni Vice, “Biniopsy [biopsy] lang yung sa lalamunan ko, ‘tapos after 'Magpasikat' na.
 
“Kasi after kong ipaayos ang lalamunan ko, kailangan ko ng complete rest.
 
“E, hindi ko puwedeng gawin ngayon kasi nagsu-shoot pa ako ng movie saka 'Magpasikat.'” — Melba R. Llanera, PEP
 
 
Tags: viceganda