Maryo de Los Reyes stirring rivalry between Ruru Madrid and Miguel Tanfelix
Ayon sa direktor na si Maryo J. delos Reyes, mas may challenge para sa kanya na idirek ang sarili niyang mga alaga.
Si Direk Maryo ang manager nina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix na parehong bida sa Magpakailanman episode na may titulong "Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story."
“Mas may challenge kasi siyempre, you want them to look good and to perform the best na kung ano yung gusto mong makita. Magdedetalye ka at saka ibig sabihin, you extend your patience and your time."
Dagdag pa niya, "I want to see, to experience kung gaano kahaba ang range nila para ako mismo first-hand, yung aking experience na puwede kong sabihin sa ibang direktor na puwede niyang gawin 'yan. Kasi nasubukan kong hingin sa kanila, kumbaga yung endorsement ko, substantiated, 'di ba?”
Ano ang pagkakaiba o pagkakapareho nina Miguel at Ruru bilang artista?
“Yung Miguel, yung seriousness. Kaya lang pareho silang merong comedic flavor, e. Si Ruru lalo na. Ang difference lang nila, puwede siguro mas seryoso yung Miguel. Tapos mas flighty at mas puwedeng mas magaang magdala itong Ruru.”
Sina Miguel at Ruru ang kinukunsidera na mga bagong prinsipe among the male stars ng GMA. “Wow! Well, good! And then I hope they live up to the expectations,” ayon kay Direk Maryo.
Sino sa palagay niya ang mas mahusay na aktor sa dalawa niyang talents?
“I could not judge as of now. Parang kumbaga sa ano, parang pinamili ako kina Nora [Aunor] at Vilma [Santos],” ang natatawang sabi ni Direk Maryo.
“I want them to compete with each other para hindi sila makuntento sa ginagawa nila. "Kumbaga, they can be friends but look at the other as the competitor, 'di ba?" - Pep.ph