‘I’m having a baby,’ Cristine Reyes reveals
“I’m having a baby.”
Ito ang bahagi ng maiksing anunsiyo ni Cristine Reyes tungkol sa kanyang pagbubuntis, ngayong araw, November 16.
Matagal nang usap-usapan ang diumano’y pagbubuntis ng sexy actress. Pero mariin itong itinanggi ng kanyang kampo at ang buntis lang diumano ay si Ara Mina at ang isa pang kapatid nilang babae.
Sa premiere night ng pelikula ng 25-year-old actress na "The Gifted" noong nakaraang Setyembre, nag-walkout pa ito nang matanong ng press tungkol sa diumano’y pagbubuntis niya.
‘Today my life begins’
Bago pa man manggaling sa kanyang sariling bibig ang pag-amin, nagpahiwatig na ang aktres sa Twitter na may nakatakda siyang aminin.
Aniya sa isang social media post, “A whole new world is waiting; it’s mine for the taking, I know I can make it. Today my life begins.”
Isang song number ang inihandog ni Cristine sa mga manonood ng isang noontime show Linggo ng hapon.
Matapos nito, inanunsiyo na ng aktres ang kanyang pagdadalantao.
Sabi niya, “I want to share this wonderful blessing, I’m having a baby.”
Kasalukuyang hayag na ang relasyon ni Cristine at ng half-Pinoy, half-Persian boyfriend nitong si Ali Khatibi. — Arniel Serato, Pep.ph