Filtered By: Showbiz
Showbiz

Isabelle Daza says goodbye to Eat Bulaga!


 
 
Nagpaalam na si Isabelle Daza sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! matapos siyang maging co-host dito sa loob ng halos apat na taon.

Inanunsiyo ng actress-host ang kanyang pamamaalam sa programa kanina, November 22, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nag-post din si Belle ng larawan kasama ang iba pang hosts at staff ng Eat Bulaga! 

Paliwanag ni Isabelle sa kanyang Instagram account: “Just wanted to say thank you for an amazing 3 and a half years. It's been such a wonderful journey growing with Eat Bulaga and I will treasure this my whole life. You guys have welcomed me and made me feel part of your family. Thank you for the constructive criticism and putting up with my singing and dancing and always pushing me to do my best. This show has taught me so much. I'm so lucky to have gotten the chance to get to know you all. It brings me great sadness to say good bye, ? but you will always have a place in my heart. FOREVER EAT BULAGA.”

Ang pahayag naman ni Belle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng isang text message via her manager Leo Dominguez, "I said goodbye to Eat Bulaga! today.

"It was so painful to leave them. I'm crying and crying."

Bago ang announcement ni Isabelle, marami sa kanyang mga followers ang nagtatanong kung aalis na ba siya sa noontime show.

Ang iba naman, hinihikayat siyang huwag umalis.

Nag-post din ng photo ang manager ni Isabelle na si Leo Dominguez kung saan makikitang nagpapaalam ng dalaga sa staff, at ang ilan sa kanila ay may mga banner na hawak na may nakasulat na, “We will miss you Isabelle Daza.”

Pumasok si Isabelle bilang host ng Eat Bulaga noong 2011. -- Bernie V. Franco, PEP
Tags: eatbulaga