Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rita de Guzman reveals brief romance with Alden Richards


Sa unang pagkakataon ay inamin ng Kapuso actress-singer na si Rita de Guzman na nagkaroon sila ng "mutual understanding" noon ng Kapuso heartthrob na si Alden Richards. 
 
Nagsimula ang paglalabas ng saloobin ni Rita nang tanungin siya kung sino ang pinaka-close niyang young male star sa bakuran ng GMA. 
 
Sagot ng 19-year-old actress-singer, “Sino ba? Si Alden, iyan... iyan ang close ko. Iyan 'yang kahit ano napag-uusapan namin.” 
 
Paano sila naging close ni Alden? 
 
“Sa One True Love,” pagtukoy ni Rita sa pinagsamahan nilang teleserye ni Alden sa GMA noong 2012. 
 
Hanggang ngayon ay tuloy ang closeness nila? 
 
“Oo. ‘Pag nagkikita kami, ganyan, pagka nagkikita kami, nagkakasalubungan kami sa GMA, agad-agad ‘yan, kung makapagyakapan kami, akala mo kung ano, e! Alam mo, tuwing makikita niya ako, always ‘yan, tatakbo siya sa akin, yayakapin niya ako nang mahigpit, ‘tapos iaangat niya ako, ‘tapos bubuhatin niya ako paikot.”
 
Masaya raw sila kapag nagkikita sila at binubuhat siya ni Alden. “Siyempre isa yun sa paglambing niya as a friend, as a true friend.” 
 
Nagsasabihan din daw sila ni Alden ng mga sikreto. Sabi ni Rita, “Ganun, ganun kami ka-close. Kumbaga, si Alden kasi yung tao na talagang mapagkakatiwalaan mo. Kasi masasabi ko, isa si Alden sa pinaka totoong tao sa show business. Totoo talaga.”
 
“‘Tsaka hindi lang siya sa ano... alam mo yung siya yung totoo na masarap kasama, yung ganung klaseng totoo na tao.” 
 
Bonus na guwapo pa si Alden. 
 
“Oo! Humble pa, grabe!” bulalas ni Rita. 
 
MUTUAL UNDERSTANDING. Was there a time na nagka-crush si Rita kay Alden? 
 
“Oo! Nung 'One True Love', medyo nagka-something kami nun,” rebelasyon ng dalaga. 
 
Nagkaroon sila ng MU (mutual understanding) ni Alden? 
 
“Oo!” pag-amin ng dalaga. 
 
Gaano katagal? 
 
“Gaano ba? Basta yung ano, nung cycle ng 'One True Love'. So, nung nag-end yun... "Pero nagka-work din kami sa 'Mundo Mo’y Akin' [2013], ‘di ba?”
 
“Pero wala na yun, wala na nung 'Mundo Mo’y Akin'. Pero friends.” 
 
Paano ilalarawan ni Rita ang pagkakaroon nila ni Alden ng MU dati? Lumalabas ba sila on dates? 
 
Ayon kay Rita, “Hindi, hindi kami lumalabas. Siyempre halos parati kaming magkasama, ‘di ba? Siyempre kung paano, minsan... parehas kasi kaming malandi! So, siyempre pagka ganun, minsan, ayun, ganun lang, sa usap-usap, ganyan. So, iyon, parang... wala minsan, parang pagka ano, excited magkita, mga ganun. 'Di ba ganun, usually?” 
 
Bakit hindi umabot sa seryosohang relasyon?
 
“Siguro it’s not meant to be. “I mean, mas okay. Kung ako rin, inano ko rin ang sarili ko, mas okay din na friends kami. Kasi kung na-push yun, siguro baka hindi kami okay ngayon.” — Rommel Gonzales, PEP.ph
LOADING CONTENT