Filtered By: Showbiz
Showbiz

Is Jose Manalo dead? Comedian responds to hoax: 'Buhay na buhay po ako!'


Kumalat sa Internet ngayong linggo ang balitang yumao na diumano ang TV host-comedian na si Jose Manalo. Atake raw sa puso ang ikinamatay nito.
 
Pero kaninang tanghali lang, November 25, ay napanood nang live si Jose sa Eat Bulaga! 
 
Panay pa nga ang tawa at pagbibiro niya hinggil sa napabalitang patay na siya.
 
Aniya, “Ang daming nagtatawagan na mga kamag-anak ko. Hindi po ako patay, buhay na buhay po ako!”
 
Pabirong nanawagan din si Jose sa kung sinumang may pakana ng nasabing maling balita tungkol sa kanya.
 
“Itigil na ninyo ‘yan!” tumatawa pa ring mensahe niya. 
 
“Kasi yung mga ganyan, bumabalik sa kung sino ang may kagagawan.” — PEP
 
LOADING CONTENT