Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili opens up on split with Kris Lawrence: 'Ang tagal na naming hiwalay'


Inamin ni Katrina Halili na sa kanya nanggaling ang kumpirmasyong hiwalay na sila ni Kris Lawrence.
 
Paliwanag niya sa ginawang pag-amin, “Kasi ang tagal na naming hiwalay, noong January [2014] pa. 
 
"Inisip ko, time na rin siguro na aminin na wala naman na."
 
May nabago sa treatment nila ni Kris sa isa’t isa?
 
Saad ni Katrina, “Sa ngayon, mas okey na.
 
"Nong una kasi, medyo nagkakailangan kami, lalo na may lumabas na isyu. 
 
"Pero ngayon okey na kami. Hindi naman naming kailangang mag-away.
 
“Unang-una, 'pag mag-away kami, nasa akin si Katie. 
 
"Mamaya, hindi pa niya makita si Katie, 'di ba?
 
“Hindi namin kailangang mag-away. Wala naman dahilan.
 
“Siguro kailangan lang po naming mag-mature na dalawa. 
 
"Ako, may kailangan din akong tapusin pa. Siya naman, kailangan din niyang mag-ipon pa.
 
“Parang hindi kami naggu-grow na dalawa 'pag magkasama.
 
"Basta, mas okey kami na separate ways. 
 
“Hindi ko na kailangang magpaalam sa kanya. Siya naman, hindi rin kailangang magsabi pa sa akin. 
 
“Gawin mo yung gusto mong gawin, gagawin ko rin yung gusto ko.
 
“Unang-una, tagal na naming ganun lang, na pupunta lang siya sa house.  So, parang wala rin naman.
 
“Ang nawala lang sa amin yung 'I love you,' sweet-sweet-an.
 
"Pero ganun pa rin kami. Minsan magkasama kami sa church.”
 
Yung love ba, nandun pa rin?
 
“Love as a friend,” sagot ni Katrina.
 
Paano yung role nila sa pagpapalaki sa kanilang anak?
 
“Naghahati kami sa mga binabayaran kay Katie, like may tutor siya, may school pa.”
 
Puwede na ba siyang tumanggap ng mga manliligaw?
 
“Ayoko rin naman, hindi naman ako naghahanap.”
 
Si Kris ba, puwede nang manligaw at magka-girlfriend?
 
“Bahala siya. Hiwalay nga, 'di ba? 
 
"I don’t know what’s gonna happen.
 
“Tagal ko rin namang nag-isip. Taon po 'yan…
 
"Pero sa tingin ko, mas okey kami sa ganitong sitwasyon." — PEP

For the full story, visit PEP