Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gov. Vilma Santos, nais na nga bang magka-apo kina Luis at Angel?




Sa presscon para sa Ala Eh! Festival kamakailan, sinagot ni Batangas governor Vilma Santos ang mga tanong tungkol sa balitang kasama dapat ang anak na si Luis Manzano sa movie project nila ni Angel Locsin. Totoo rin bang hiniling niya sa magkasintahan na gumawa na ng baby ang dalawa?
 
Ang muling pagbabalik bilang mayor ng Lipa City ang isa sa mga anggulong unang natanong kay Batangas Governor Vilma Santos sa birthday celebration na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde, kasabay na rin ng presscon para sa Ala Eh! Festival, noong Lunes, November 24.

Pag-amin niya, “Oo nga, e. Totoo naman.

"Originally, dapat kaming tatlo. Pero parang ang anak ko, parang ayaw na muna niya.

"Hindi ko alam kung ano'ng itatawag dun, yung sa relationship nila, ibebenta ng ganun.

“Masyadong malaki ang respeto ni Lucky sa relationship nila ni Angel na parang ayaw niya na ma-commercial ba.

"Yung ibig kong sabihin ayaw niya kahit paano na mapaglaruan.

"It’s a respect, and the good thing is nirerespeto naman namin yung desisyon ni Lucky."

Tungkol naman sa pelikulang pagsasamahan nila ni Angel, bagamat hindi pa naman kumpirmadong may matitinding eksena sila, wala pang maibigay na impormasyon si Ate Vi sa takbo ng istorya sa nasabing project.

“Hindi ko pa alam. Iba ang istorya, maski yung character ko, naiiba. 

“Yung sampalan issue, tingnan natin, depende sa eksena.

"Pero nung nag-usap kami at nag-meeting, I told them I want something new.

“Kaya I think, pati buhok, iba, e. Parang Meryl Streep na parang ganun ang karakter niya.

"'Pag final na, doon ko na sasabihin."

PROPOSAL. Ano ang reaksiyon ng anak sa pahayag niya kamakailan na hihinilingan na niya si Luis ng anak kay Angel?

Ani Governor Vi, “Tawa sila nang tawa kapag niloloko ko.

“'Pag nagdi-dinner kami sa bahay, sabi ko, 'Nak [Luis], Gel [Angel], baby na!' 

"Tatawa lang siya. 'Don’t worry, Mom, huwag kang mainip.'"

Sa presscon, natawa lang si Ate Vi sa tanong kung may ideya ba siya na posibleng itaon sa Ala Eh! Festival ang wedding proposal ni Luis kay Angel.

“Wala akong alam diyan! Wala akong alam na isasabay sa Ala Eh! Festival ang pagpu-propose ni Lucky kay Angel.

“Kung isasabay? E, di pati ako magugulat. 

"Hindi namin pinag-uusapan ng anak ko 'yan, private yun, e.

“I know my son. Hindi siya yung type na... hindi, e. 

“Hindi, wala. Yung Ala Eh! Festival is for the province of Batangas.” -- Rey Pumaloy, PEP

For the full story, visit PEP.
LOADING CONTENT