ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca Gonzalez marries JC Intal in a private ceremony in Palawan-- report




(Bianca Gonzalez and JC Intal tie the knot in a private wedding ceremony at the Lagen Island Resort in El Nido, Palawan. Photo: Instagram photo of Cheska Garcia-Kramer)
 

Ikinasal na ang TV host at writer na si Bianca Gonzales at PBA player na si JC Intal na ginanap sa Lagen Island Resort, El Nido, Palawan, nitong Huwebes, December 4.

Sa ulat ni Nerisa Almo na lumabas sa Philippine Entertainment Portal, sinabing ang okasyon ay dinaluhan ng mga kaanak nina Bianca at JC; at mga malalapit na kaibigan, kabilang na ang TV personality na si Cheska Garcia-Kramer at asawa nitong PBA player din na si Doug Kramer.


Noon pa man daw ay paulit-ulit nang sinabi ni Bianca na gusto niyang maging pribado ang kanyang kasal.

Ngunit hindi pa rin daw malinaw kung may susunod pang kasalanan sa dalawa dahil na rin sa nakaraang pahayag ni Bianca na sa December 10 gaganapin ang kanilang kasal sa Metro Manila.

Sa naunang ulat sa GMA News Online, sinabing may ilang netizens ang nagtaka sa mga larawang naka-post sa Instagram ng magkasintahan na kasama ang mga kaanak at kaibigan dahil tila nga idaraos na ang kasal nila. Ito ay sa kabila ng naunang sinabi ni Bianca na sa susunod na linggo pa gaganapin ang kanilang kasal ni JC.

Sa mga naturang mga larawan nila sa Instagram, makikita ang pagdating ng magkasintahan at ang kanilang guests sa Palawan nitong Miyerkules, December 3, at nagkaroon sila ng munting salusalo. 
 
Ngayong Huwebes naman ang tinawag nilang 'Day 2.'
 
Ayon sa isa sa mga official photographers ng kasal sa caption ng larawan na nagpapakita ng isla kung saan ikakasal ang dalawa, “Perfect scene for our wedding today.” -- FRJ, GMA News