ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Claudine Barretto-Raymart Santiago legal battle 'coming to an end' — Atty. Topacio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Malapit nang magkaroon ng final resolution ang mga kasong isinampa ni Claudine Barretto laban sa estranged husband nitong si Raymart Santiago.

Ayon sa abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, tapos na ang hearing kaugnay ng custody battle at Permanent Protection Order (PPO) na hinihingi ng aktres.

Naisumite na raw ng bawat kampo ang lahat ng kanilang ebidensiya at mga testigo sa korte.

Saad ni Atty. Topacio sa exclusive interview ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) Huwebes ng gabi, December 4, “Yung case with Raymart and Claudine is coming to an end.

“It’s coming to an end dahil matatapos na yung trial.

"Tapos na kasi, both sides nakapag-present na ng evidence.

"Anytime soon ay magkakaroon na ng desisyon yun regarding dun sa custody at saka dun sa PPO.

"But, although, I cannot discuss the merit kasi nga may gag order, yun lang masasabi ko.

“Ang sa akin lang, kapag matapos na ang kasong ito, si Claudine can put things behind her at mag-concentrate dun sa comeback niya.

“And hopefully, kapag matapos na yung case at lumabas na yung totoo, ay malaman na ng mga tao na yung naririnig nila about Claudine ay hindi totoo—yung alleged drug addiction, yung may diperensiya siya psychologically.”

Mahigit isang taon nang tumatakbo ang mga kaso ni Claudine laban kay Raymart, na nagsimula nang maghain ang aktres ng request for Temporary Protection Order (TPO) laban sa aktor noong July 2013.

Kasunod nito ang pagsampa ni Claudine ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act o R.A. 9262 laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court noong August 2013.

Kapag natapos na raw ang kaso, balak ni Atty. Topacio na magsulat ng libro tungkol sa buhay ni Claudine.

“Alam mo, gusto ko na ngang matapos ang case na ito so I can…

"I’m even thinking of writing a book kung papaano, systematically, yung mga tao sa paligid niya ay sinira siya.

“I don’t know for what motivation, baka naiinggit yung ibang mga kapatid niya sa kanya or for whatever.

"Alam mo, because of this case, nakita ko lahat ng ebidensiya, documentary evidence.

“Na-interview ko yung mga ibang tao na may kinalaman sa buhay ni Claudine, kahit yung hindi naman kinakailangan sa kaso, just to give a complete picture.

"Nakita ko kung papaano yung career niya at personal life niya ay sinira nga systematically."

Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Hindi ko sasabihin yung mga detalye ngayon, pero sasabihin ko ‘to after. -- Arniel C. Serato, PEP

For the full story, visit PEP.