ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

What Miguel Tanfelix thinks about being pitted against Daniel Padilla


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Umangat ang popularidad ni Miguel Tanfelix nang maging bida siya sa Niño noong nakaraang taon, at sa pag-ere ng Once upon a Kiss nila ni Bianca Umali ay tiyak na sisikat pa siya. 
 
Sa edad niyang 16, paano naha-handle ni Miguel ang kasikatan? 
 
“Basta keep your feet on the ground lang. Kasi ganun naman talaga, e. Lagi kang magpapasalamat, lagi ka dapat thankful kay God, sa family and sa supporters mo, at lalung-lalo na sa GMA po,” saad niya. 
 
Siya ang sinasabing katapat ni Daniel Padilla sa GMA. Ano ang komento niya dito? 
 
“Wow! Pressure yun, siyempre. Daniel Padilla nasa itaas na siya. Kami po ni Bianca [Umali] nagsisimula pa lang po,” pagpapakumbaba niyang pahayag. 
 
Pero handa raw siyang gawin ang lahat para sa kanyang career. 
 
Pahabol pa niya, “Yes po, love ko naman po itong work na ito kaya kahit ano pong ibigay sa akin.” 
 
Samantala, nasa Once upon a Kiss din sina Tessie Tomas, Al Tantay, Maricar de Mesa, Cris Villanueva, Frank Magalona, Betong Sumaya, Eunice Lagusad, Miggy Jimenez, Cai Cortez, Sabrina Man, Mariel Pamintuan, at si Mylene Dizon. — PEP