ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iya Villania defends Nikki Gil against Instagram basher over virginity issue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinagtanggol ni Iya Villania ang matalik na kaibigang si Nikki Gil sa gitna ng pambabatikos na tinatanggap ng actress-TV host kaugnay ng no pre-marital sex vow nito.
 
Ito ay matapos kuwestiyunin ng isang basher ang paninindigan ni Nikki na hanggang ngayon ay nananatili siyang “virgin.”
 
Hindi maiwasang maungkat ang isyu dahil may ilang fans ang pilit na pinagkukumpara sina Nikki at Coleen Garcia, ang current girlfriend ni Billy Crawford.
 
Matatandaang naging karelasyon ni Nikki si Billy sa loob ng limang taon, hanggang sa maghiwalay sila noong July 2013.
 
Sa Instagram post ni Nikki noong January 6, sinabi ng isang Instagram user na fan diumano ni Coleen na hindi siya naniniwala sa no pre-marital sex vow ni Nikki.
 
Lalo pa’t magkasama umanong nagbabakasyon sa ibang bansa sina Nikki at Billy noong panahong magkarelasyon sila.
 
Sabi ng fan ni Coleen na may handle name na @__mrsencar: 
 
 
Base sa mga sumunod na comments ay naging mainit ang palitan ng salita ng fans nina Nikki at Coleen upang depensahan ang kani-kanilang idolo.
 
Bilang matalik na kaibigan, agad ding ipinagtanggol ni Iya si Nikki at pinatotohanan na “virgin” pa ang huli hanggang sa kasalukuyan.  
 
Sagot ni Iya sa comment ni @__mrsencar:
 
 
Kapansin-pansing nag-umpisa ang bangayan ng fans nina Nikki at Coleen matapos kumalat ang mga larawan nina Coleen at Billy na kuha mula sa kanilang holiday vacation sa Maldives.
 
Habang si Nikki naman ay nagbabakasyon kasama ng kanyang pamilya sa Italy.
 
Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananataling tikom ang bibig nina Nikki at Coleen hinggil sa isyu. — PEP