ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Ang lalaki na bagong mahal ni Mahal
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Noong nakaraang Disyembre, ipinakilala ni Jimboy ang kaniyang boyfriend na si John Danan, na isang entertainer na galing sa Singapore.
Sa naturang panayam ng Startalk, inihayag nina Jimboy at John ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal sa darating na Marso.
Basahin: Jimboy ni Mahal noon, 'Jimgirl' na ni John ngayon
Basahin: Ex-boyfriend ni Mahal na si Jimboy, magpapakasal na sa boyfriend
Sa isang artikulong isinulat naman ni Arniel C. Serato na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, ibinahagi ni Mahal ang lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso ngayon.
Ayaw na rin ni Mahal na pag-usapan si Jimboy dahil nais daw niya ang tahimik na buhay.

Ate raw ang tawag sa kaniya ni Jimmy.
Ayon kay Mahal, magwa-walong buwan na ang relasyon nila ni Jimmy, na una niyang nakilala noong 2004.
Pero naputol daw ang kanilang komunikasyon, at noong 2013 lang ulit sila nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng Skype.
Makikita ang iba pang larawan ng dalawa sa social media account ni Mahal.
Bagaman hindi raw sila nagli-live in ni Jimmy, sinabi ni Mahal sa PEP na nag-i-sleepover daw siya sa bahay nito. -- FRJ, GMA News
For the full story, visit PEP.
Tags: mahal, jimboysalazar
More Videos
Most Popular