ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Saab Magalona at Jim Baccarro, ikakasal ngayong Sabado sa Baguio City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Sabado, January 24, bandang 2:30 p.m. ang kasal ni Maria Isabella Simone "Saab" Magalona sa kanyang musician fiancé na si Jeremiah "Jim" Bacarro sa isang simbahan sa Baguio City.

Noong March 2014 nag-propose kay Saab si Jim nang magbakasyon ang pamilya Magalona sa Japan.

Nagulat na lang ang 26-anyos na Kapuso actress nang biglang lumuhod sa harapan niya ang kanyang 27-anyos na nobyo sa isang public place sa Tokyo at bigyan siya ng singsing.

Magkasama sina Saab at Jim sa indie rock band na Cheats. Si Jim ang guitarist, keyboardist ,at vocalist ng kanilang banda. Si Saab ay vocalist din.

More than three years na ang relasyon ng dalawa, pero mga ten years na silang magkakilala.
Ang cute ng wedding invite ng dalawa, para itong libro na may title na Jim & Saab Save the World, at illustration na naka-superhero costumes silang dalawa.

Yung note sa loob ay parang isang library card. Sa likod ay may mapa ng chapel na pagkakasalan sa kanila at ng reception venue na 20-minute drive mula sa simbahan.

Maid of Honor ang elder sister ni Saab na si Maxene Sofia Magalona.

Kabilang sa siyam na bridesmaids ang magkapatid na Megan and Lauren Young na close friends ni Saab, at ang bunsong anak nina Francis M. at Pia Arroyo-Magalona na si Clara Santita.

Kasama sa sampung groomsmen ang brothers ni Saab na sina Francis Michael Jr., Elmo Moses, at Arkin Luciano Magalona.

Ang taga-showbiz lang sa anim na ninong ay si Beethoven Bunagan, a.k.a. Michael V., at sa ninang, Malou Choa-Fagar ng Eat Bulaga.

Ang gumawa ng wedding dress ni Saab ay si Sassa Jimenez, na dati niyang blockmate sa Ateneo bago ito umalis to study fashion sa U.S.

Nine years ago, sinabihan ni Saab si Sassa na magiging kilalang fashion designer ito at si Sassa ang gusto niyang gumawa ng wedding dress niya kapag siya ay nagpakasal.

Si Eric delos Santos ang tumahi ng dresses ng bridesmaids. Ang suit ni Jim ay gawa ni Ziggy Savella.

Mas matanda kay Saab sina Maxene, 28, at Frank, 27, pero mas mauuna siyang mag-asawa sa dalawa.
 
Bale ito ang second showbiz wedding ngayong 2015 after nina Aiza Seguerra at Liza Diño na ginanap noong January 8 sa Batangas.

Ang cool ng prenup photo shoot nina Saab & Jim na may temang Forever Young: The Rebellious Brides.


  
-- Allan Diones, PEP