ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jake Vargas at Bea Binene, nagkakalabuan na?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinabulaanan ni Jake Vargas ang balitang break na naman sila ni Bea Binene, at ibinalita pa nga ng young actor na malapit na ang anniversary nila bilang magkasintahan.
"Sa February po ang anniversary namin, three years na po kami.
"Kaya nagtataka kami ni Bea kunsaan nanggaling yung balita na break na kami.
"Heto nga at may movie kami together kaya walang katotohanan po ang tsismis."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa press conference ng pelikula nilang Liwanag Sa Dilim, sa Max's Restaurant, Roces Avenue, Quezon City, ngayong Miyerkules, January 28.
Wala pa raw regalo si Jake para sa anniversary nila ni Bea.
"Wala pa akong time bumili kasi!" tawa niya.
"'Tsaka inaalam ko pa kung ano ang gusto niya.
"Gusto ko siyang i-surprise para mas maganda."
May mga nagsasabing parang hindi sila very sweet ni Bea ngayon. Tila may problema raw sa samahan nila ngayon.
Pahayag ni Jake tungkol dito, "Ganun lang po kami ni Bea.
"May times na 'di namin kailangan maging masyadong sweet sa publiko.
"Basta kami po ay okey at walang problema.
"Hindi porket 'di kami nagki-kiss sa harap ng maraming tao ay may problema na kami.
"Maingat lang kaming dalawa sa mga kinikilos namin in public."
KUYA GERMS. Samantala, hindi pa rin pala nakakausap ni Jake ang kanyang manager na si German "Kuya Germs" Moreno simula nang ma-mild stroke ang veteran TV host.
Nabisita na raw ni Jake si Kuya Germs sa bahay nito ngunit hindi pa raw ito puwedeng makausap.
Kuwento niya, "Nakailang beses ko nang nabisita si Tatay, pero bilin kasi sa amin na hindi pa siya puwedeng makausap.
"Kaya hanggang kaway lang kaming mga bumibisita sa kanya.
"Maayos naman na ang lagay niya. Nakakakilos na siya kahit paunti-unti, nakakapagsalita na rin.
"Total bed rest talaga kailangan niya para mabilis siyang gumaling."
Miss na nga raw ng marami si Kuya Germs sa programa nitong Walang Tulugan With The Master Showman.
Hindi raw kumpleto ang show kapag wala ito.
Saad ni Jake, "Lahat kami nami-miss siya, siyempre siya yung Master Showman talaga.
"Kaya parang kulang ang show kung 'di niyo siya naririnig na sumisigaw ng 'Walang tulugan!'
"Kaya kaming lahat ay nagdarasal na gumaling siya agad.
"Pati mga subscribers ng GMA Pinoy TV ay hinahanap siya.
"Kaya Tatay German, pagaling ka agad para makasama ka na namin." -- Ruel J. Mendoza, PEP
Tags: jakevargas, beabinene
More Videos
Most Popular