ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez says PNoy should have been more gracious


 

Kabilang ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mga celebrity na nakisimpatiya sa pamamagitan ng social media para sa mga naulila ng mga nasawing kasapi ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP).

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na si Regine at ang mister niyang si Ogie Alcasid ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Noynoy Aquino.

BASAHIN: PNoy ex-girlfriend Grace Lee reacts to Leah Navarro's Twitter post

BASAHIN: Leah Navarro, idinipensa si PNoy sa mga puna na '#NasaanAngPangulo'

Sentro ng pambabatikos ngayon ng maraming Pinoy ang Pangulo ng Pilipinas dahil sa tila pagiging insensitibo nito sa sinapit ng PNP-SAF members sa kamay ng mga rebelde.

Partikular na ang hindi pagdalo ni PNoy sa heroes' reception para sa nasawing 44 miyembro ng PNP-SAF sa Villamor Air Base nitong Huwebes, January 29.

Sa halip ay itinuloy ng Pangulo ang pagdalo sa opening ng isang car plant sa Laguna.
Sa ganitong pagkakataon, ano ang nararamdaman ni Regine?

“Of course, he’s the President... I think he should be more gracious.

“Kapag dumarating tayo sa time na ganito na may sakuna, yun lang ang napapansin ko.

“Kasi, I guess, he’s trying to run a country.

“People should understand that. It’s hard to run a country.

“I cannot imagine… I mean, really, how can you run a country?

“How? It’s very difficult.”

Dagdag pa ni Regine, “You cannot please everybody. You cannot…

“And you should always be ready for criticism. E, ganun talaga.

“Kami nga, artista lang, kung ma-criticize kami, kung ma-bash kami, para namang, ‘Nagbayad talaga kayo, ha?’

“Kumanta ka sa TV, ‘di ba, libre yun? Kung makapintas para panoorin ako sa TV, ha… yung ganun ba?

“You should be ready for that.
 
“Pero sa akin, ako, when things like these, yung mga sakunang mangyayari, wala namang mangyayari sa ‘yo if you’ll sympathize.

“Yun na nga, gracious…

“Actually kasi, ang grace, mahirap talagang ibigay yun. Parang si God lang ang nagbibigay nun.

“Pero, parang puwede naman.

“I’m sorry, siguro sa akin lang, sana he [PNoy] could have been more gracious with everything that happened in the past and now.

“I think, mas maiintindihan siya ng mga tao if he was there.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine nitong Biyernes ng tanghali—sa pocket presscon para sa Valentine concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha. -- Rose Garcia, PEP

For the full story, visit PEP.