ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Elmo Magalona reveals the best qualities of girlfriend Janine Gutierrez


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ano ang masasabi ni Elmo Magalona na sumisikat na ang loveteam nila ni Janine Gutierrez, at tila naungusan na nila ang ibang loveteams sa Kapuso network?

Sagot niya, “Basta ang ano namin, siyempre gawin yung best namin. Pinagkatiwalaan kami, e, na ilagay kami bigla sa primetime. And iyon, gusto namin na kahit na wala namang kaming competition, gusto naming gawin yung best lagi."

Survey

May isang survey na lumabas kung saan kabilang sila sa listahan ng hottest o sexiest celebrity couple sa showbiz.

“Kain nga kami nang kain dito sa set!” natawang reaksiyon ni Elmo.

Pero seryoso niyang dagdag, “Flattering, flattering na pasok kami dun, nakakagulat."

Bakit naman siya magugulat, gayong hunky na siya ngayon bunga ng pagwu-workout niya sa gym?

“Hindi, kasi ano... yun lang, parang part lang ng lifestyle namin na maging healthy din.”

Ano ba ang pinakagusto niyang parte ng mukha o katawan ni Janine?

“Favorite ko kay Janine, yung eyes. Malalim, e. Parang nahuhulog ako sa mga mata niya!” bulalas ng binata.

Sa ugali naman ni Janine? “A, yung pagiging maalaga.”

Paano ba mag-alaga si Janine?

“Si Janine kasi, kahit hindi sa akin, she’s very thoughtful, sa lahat ng tao around her. Thoughtful siya, palagi siyang concerned sa mga friends niya, lalo na sa family niya. I’m happy na part ako dun sa mga tao na concerned siya.”

Always present

Sinabi naman ni Janine na si Elmo, among other things, kapag may problema o kailangan siya ay alam na agad nito.

Sabi ni Elmo tungkol dito, “Siyempre, as her boyfriend, I wanna be there for her palagi. Kung kailangan niya ng kausap or kailangan niya ng advice, nandun ako."

“I want to be the one na kaya niyang kausapin. Kaya niyang pagkatiwalaan sa mga thoughts niya, sa mga iniisip niya, yung mga importante sa kanya.”

Dahil dumaan ang Pasko, tinanong namin si Elmo kung ano ang Christmas gift niya kay Janine.

“Marami akong ibinigay, e. Unang-una, puso ko,” at ngumiti si Elmo.

“Pero material-wise, may binili akong shoes, pero napakasimple lang. Converse na shoes kasi may parang story yun, e."

"Nagpunta kaming Hong Kong, 'tapos may dala-dala kaming damit, yung luggage namin. Tapos nung pumapasyal na kami, nawala ko yung shoes niya! Nawala ko yung shoes niya sa Hong Kong! So, iyon yung shoes na nawala ko, and yung same shoes na yun yung ibinigay ko sa kanya.”

May iba pang Christmas gift si Elmo kay Janine, pero sikreto na lang daw iyon. Rommel Gonzales/Pep.ph