ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sharon Cuneta showcases slimmer figure at Ciara Sotto's baby shower
By ROSE GARCIA, PEP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Marami ang nag-comment, nag-share sa Instagram posts ni Ciara kaugnay ng kanyang baby shower, lalo na yung kasama niya ang pinsang si Sharon Cuneta na matagal-tagal na ring hindi nakikita ng publiko.
Marami ang nakapansing malaki na ang ipinayat nito.
Post by Sharon Cuneta.
Post by Sharon Cuneta.
A photo posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on
A photo posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on
Pagpapatunay ni Ciara, “Pumayat siya, nababawasan nang nababawasan ang weight niya.
"Nagugulat nga ako. Diet lang talaga siya.
"Kaya naman talaga basta strictly susundin mo yung diet."
Napag-uusapan ba nila ng Megastar kung kailan ito magbabalik showbiz talaga?
“Hindi naman, pero ang alam ko, soon.”
Kinumusta rin namin kay Ciara kung mukha pa rin bang depressed ang kanyang pinsan.
Sagot niya, “Hindi naman siya depressed na, happy naman siya.
"Masaya ako na napapayag siya ng mga ate ko na magpunta.
"Okey naman siya, pero siyempre, nandoon pa rin yung mourning pa rin siya.
"Nami-miss pa rin niya ang mommy niya.”
Ang tinutukoy ni Ciara ay ang pagpanaw ng ina ni Sharon na si Elaine Cuneta, kapatid ng ina ni Ciara na sa Helen Gamboa. —PEP
Tags: ciarasotto, sharoncuneta
More Videos
Most Popular