advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Liezl Martinez dies at 47


Pumanaw na ang aktres na si Liezl Martinez sa edad na 47.

Si Liezl ay misis ng aktor na si Albert Martinez at nag-iisang anak ng veteran stars na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Ilang taon ding nakipaglaban si Liezl sa sakit na breast cancer.

Ayon sa statement na ipinadala ng mga kaanak ni Liezl, mapayapang pumanaw ang aktres ngayong Sabado ng umaga, March 14.

Ayon sa tiyuhin ni Liezl na si Cheng Muhlach, mula pa noong March 9, Lunes, ay nasa ospital na ang kanyang pamangkin.

Ibuburol ang mga labi ni Liezl sa Arlington.

Narito ang opisyal na pahayag ng mga malalapit kay Liezl tungkol sa kanyang pagpanaw:

"Anna Lisa ‘Liezl’ Sumilang Martinez, peacefully passed away in her sleep at 6:15 this morning, 14th of March 2015. She was 47.

"Liezl is surrounded by her beloved husband, Albert; precious children, Alyanna, Alfonso, and Alyssa; loving mother, Amalia; father Bobby; and her relatives at this time of love and grief. "Thank you for your continued prayers. The family shall be sharing the funeral announcement soon."

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa mga kaibigan at netizens sa huling Instagram post ni Albert (@albertmartinez_) noong March 7, Sabado.

Ang nasabing post ni Albert ay kuha nila ni Liezl habang nasa isang bus stop sa biyahe nila sa Barcelona, Spain noong 2013.

Caption niya dito: "#Barcelona2013 ..advance Happy Birthday @liezlmartinez .. Next #Hawaii2015!" Magdiriwang sana ng kanyang 48th birthday si Liezl sa March 27.

 

#Barcelona2013 ..advance Happy Birthday @liezlmartinez .. Next #Hawaii2015!
 
 

A photo posted by Albert Martinez (@albertmartinez_) on






Pep.ph
LOADING CONTENT