Bakit 'Cutie Pie' ang itinawag ni Mariel Rodriguez sa kaniyang unborn child?
Marami sa online followers ng aktres at host na si Mariel Rodriguez ang naghinalang nakunan ito sa unang pagbubuntis niya simula nang maikasal sila ng aktor na si Robin Padilla dahil sa malulungkot na posts nito sa social media na mayroong hashtag na #ByeCutiePie.
Nitong Lunes, kinumpirma ni Mariel sa pamamagitan ng isang Facebook post ang hinala ng netizens na nagkaroon siya ng miscarriage, ayon sa ulat ng PEP.ph.
Kuwento ng TV host-actress, walong linggo at tatlong araw na siyang buntis ngunit hindi nagpatuloy ang development ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
“I don’t have it all figured out yet but I know with all the prayers, love, and support that you are all bestowing upon me, I will get through this. I want to thank everyone who sent me a message, those who prayed for us and everyone who showed their concern. From the bottom of my heart, it means a lot to me. Thank you!” aniya sa naturang post.
Ilang araw lamang ang nakakalipas, naging kapansin-pansin ang sunod-sunod na posts ni Mariel sa social media hinggil sa pagsubok na kanyang pinagdadaanan.
Sa mga post na ito, nagpasalamat si Mariel sa kaniyang kapatid, mga kaibigan, kay Robin at sa mga anak nito kay Liezl Sicangco na itinuturing na rin niyang sariling mga anak, dahil sa pagdamay sa kanya.
Nagpaabot ng mga bulaklak ang mga anak ni Robin kay Liezl sina Kylie, Queenie at Zhen para sana sa bunso nilang kapatid.
not all days are happy... some days are sad. #byecutiepie
A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) on
A photo posted by mariel padilla (@marieltpadilla) on
Ibinahagi rin ni Mariel sa ulat ng PEP.ph kung bakit 'Cutie Pie' ang napili niyang itawag sa magiging unang anak sana nila ni Robin.
Aniya, “To those wondering why I called my baby cutie pie. I have an app called Ovia Pregnancy and you have to key in a 'nickname.' And since I didn’t know the sex of my baby, I decided to give the nickname 'Cutie Pie.'"
“I was going to give birth in the States Oct 19, 2015. That was our plan so that my cutie pie would have a blue passport like mommy. My sister changed her year plan so that she could help me out. My husband and his manager worked his schedule around the time I would give birth so that Robin wouldn’t be so busy."
“One thing is for sure, my cutie pie is loved. "Though cutie pie will not live to see this world in heaven, we shall meet," dagdag pa ni Mariel. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News