ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Albert Martinez: 'Liezl can never be replaced in my heart'
Lubos na nangungulila ang aktor na si Albert Martinez sa pagyao ng kanyang kabiyak na si Liezl Martinez.
Gayunpaman, kahit papaano ay naibsan ang pagdadalamhati ni Albert dahil sa mga taong nag-abot ng kanilang pakikiramay at suporta.
Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes ng umaga, March 19, nagpasalamat si Albert sa mga kaanak at malalapit na kaibigang pinanatiling pribado ang pakikipaglaban ni Liezl sa sakit na cancer noong mga huling buwan na nabubuhay ito.
Ayon pa sa aktor, mismong ang misis niya ang may kagustuhan na panatilihing pribado ang tungkol dito.
Ito marahil ang dahilan kung bakit walang naiulat tungkol sa pinagdadaanan ng pamilya Martinez, hanggang sa bawian ng buhay si Liezl dahil sa sakit na breast at lung cancer noong Sabado ng umaga, March 14.
Matatandaang taong 2008 nang ma-diagnose na mayroong breast cancer si Liezl.
Matapos sumailalim ng treatment ay nag-recur ito noong 2011 at kumalat ang cancer cells sa kanyang left lung.
Ngunit bago pumanaw si Liezl ngayong taon ay panandaliang gumaling si Liezl sa tulong ng stem cell therapy nito.
Sa kabilang banda, inihayag ni Albert na mas lalong lumalim ang pagmamahal niya kay Liezl dahil sa lakas ng loob na ipinamalas ng kabiyak sa kabila ng karamdaman nito.
Sabi ng aktor sa isang bahagi ng caption ng kanyang Instagram post, “Thank you for honoring Liezl’s wish for privacy as she fought cancer in the last few months of her life.
“She remained strong, courageous and unwavering throughout the battle—which made me love her all the more.
“She was not just a celebrity or public servant—for us, she was a supportive wife, devoted mother, loving daughter, caring cousin, a doting aunt…
“We will miss all the wonderful things that she was in our lives.”
Iginiit din ni Albert na hindi kailanman mapapalitan ang puwesto ni Liezl sa kanyang puso.
Dagdag na pahayag ni Albert, “Although I lost her, she will forever remain a precious jewel, a gem that can never be replaced in my heart.
“Please continue praying for our family as we try to overcome our grief and loneliness in the coming days.
“A thousand white roses for you, my Liezl…” —PEP
Tags: albertmartinez, liezlmartinez
More Videos
Most Popular