ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ariella Arida shrugs off negative comments about her Binibining Pilipinas hosting stint

Naging trending topic sa social media ang paghu-host ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida sa Binibining Pilipinas 2015 grand coronation night noong March 15.
Marami ang nanlait at umokray sa paraan ng pagsasalita ni Ariella.
Agad namang nag-sorry si Ariella sa pamamagitan ng Twitter: "Sorry na mga madam!!!"
Basahin: Ariella Arida responds to bashers over Binibining Pilipinas hosting performance
Kaugnay nito, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng mentor at manager ni Ariella na si Jonas Gaffud nang makausap namin siya noong March 18.
Nagulat kami nang sabihin ni Jonas na natawa rin siya sa paraan ng paghu-host ni Ariella sa Binibining Pilipinas.
Pahayag niya, “Aminado naman ako na hindi talaga magaling si Ara sa mga ganyan. Hindi pa siya sanay sa pag-host.
“Unlike ng ibang mga beauty queens ng Mercator na sina Venus [Raj] and Shamcey [Supsup-Lee], marunong at sanay na ang dalawang ‘yan.
“Pero nagkaroon naman si Ariella ng rehearsal a day before the pageant. So, alam ko na she was prepared.
“Noong nag-segment host naman si Ariella sa Miss Universe 2015 in Florida, wala namang nang-okray sa kanya.
“She got positive feedbacks, kaya nga siya kinuha sa Binibining Pilipinas dahil doon.
“Siguro nagkaroon lang ng kaba dahil many expected so much from her.”
Natatawang dagdag pa ni Jonas, “Yun nga, pinagtawanan ko rin siya!
“Hindi ko alam kung ano na ang nangyari, pero natuwa naman ako kasi nag-trending siya sa Twitter.
“It means na she’s worth all those trouble. Kesa naman sa walang nakapansin sa kanya, ‘di ba?”
TRENDING. Hindi naman daw pinagalitan o pinagsabihan ni Jonas si Ariella pagkatapos ng Binibining Pilipinas.
Lalo lang daw siyang natawa sa mga hinirit pa sa kanya ng beauty queen.
“Cool lang si Ara after all the bashing and hating sa kanya on social media. Hindi siya pikon.
“Yun naman ang gusto ko sa babaeng ‘yan. Hindi siya affected talaga at tinawanan na lang niya.
“Sinabi pa niya sa akin na, ‘Ma! Trending ako! Hindi ko nga nabati si Pia [Wurtzbach] sa kakabasa ko ng tweets!’
“O, ‘di ba? Hindi niya sineryoso yung mga pag-bash sa kanya sa social media.
“Nag-tweet pa nga siya ng ‘I love you all,’ ‘di ba? Kaya okey lang sa kanya ang nangyaring iyon.”
May mensahe ba si Jonas sa mga nang-bash kay Ariella?
Aniya, “Ako naman, I respect their opinions.
“Positive or negative man, siguro kailangan may matutunan din tayo sa ganyan.
“May freedom naman ang lahat ng tao to do what they want on social media.
“Pero siguro, the world will be a better place kung hindi tayo masyadong mapagpuna ng kapwa natin.
“I mean, sino ba ang perfect sa atin, ‘di ba? Nobody is.
“And let’s be kind to one another.
“Huwag nating gamitin parati ang social media para manlait or mang-okray.
“Let’s be positive parati and magiging happy tayong lahat.
“’Ika nga ni Ara, I love you all!”
Sa mga susunod na hosting jobs ni Ariella, wala raw gustong baguhin si Jonas sa style ng pag-host nito.
Sabi niya, “Kung gusto nilang kunin ulit si Ara the way she is, okey sa akin iyon.
“Kung nakatuwaan ba nila, ‘di ba? Bakit pa natin siya babaguhin?
“Siguro na kay Ara na iyon kung gusto niyang baguhin ng konti.
"Pero kung ako ang tatanungin, okey na 'yon kasi siya yun, e.
“That will make her more loveable sa maraming tao,” diin pa niya.
In fact, isa si Ariella sa co-host ng Touchdown With Ken Alfonso na magsimula na sa March 21 on GMA NewsTV. -- Ruel J. Mendoza, PEP
For the full story, visit PEP.
More Videos
Most Popular